MANILA: REAL ESTATE – Sharon naibenta ang pag-aaring lupa ng p90 million!

Sharon Cuneta

Nadagdagan na naman ang yaman ni Sharon Cuneta.

Naibenta na raw ang isang pag-aari nitong lupa sa may Tomas Morato area (Quezon City).

Umabot umano sa P90 million ang presyo nito na nabili ng grupo ng may-ari ng Padi’s Point.

Kahapon nakumpirma ang nasabing bentahan ng lupa ni Mrs. Kiko Pangilinan.

May iba pang property sa QC si Ms. Shawie na kilala ring real estate investor. May-ari rin siya ng six-door townhouse sa may Scout area. Not sure lang kung naibenta na rin niya ‘yun. Pero late last year ay ipino-promote niya ito.

May pag-aari rin silang agricultural farm sa Cavite ni Sen. Kiko. Bukod pa ‘yun sa bagong renovate na mansion nila sa Mandaluyong na may elevator at ang bagong property sa Amerika.

Naalalang nagkaroon ng sari-saring reaction kay Ms. Shawie nang mag-post siya sa kanyang social media account na marami siyang utang, bankrupt, at aminin niyang in dollars. Nabanggit din niya dati na minsan na siyang naloko.

COURTESY:
Pilipino Star Ngayon

.

NOTE : All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet ..aseanews.net | aseanews@hotmail.com |

For comments, Email to :
Pahulu Gan – Contributor | rvcfinance@yahoo.com

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page