BILLARD 9-BALL: MANILA – Orcollo sinargo ang korona sa 9-Ball tourney

 MANILA, Philippines — Ibinulsa ni Dennis Orcollo ang kampeonato sa 6th Annual Big Tyme Classic 9-Ball Tournament na ginanap sa Big Tyme Billiards and Bar Spring sa Houston, Texas sa Amerika.

Pinataob ng dating World 8-Ball champion na si Orcollo si Jeremy Jones ng Amerika sa rubber match ng finals sa bendisyon ng 8-5 panalo.

Napasakamay ni Orcollo ang $7,000 premyo habang nagkasya sa $3,600 konsolasyon si Jones.

Pumangatlo si Warren Kiamco para makuha ang $1,800.

Nakapasok sa finals si Orcollo matapos walisin ang lahat ng asignatura nito sa torneong nagpatupad ng double-elimination format.

Dahil sa kanyang sweep, nabiyayaan ng twice-to-beat advantage si Orcollo.

Sa katunayan, lumasap ng 9-10 kabiguan si Orcollo laban kay Jones sa first game ng finals upang maipu­wersa ang do-or-die game.

Masuwerte na armado si Orcollo ng twice-to-beat incentive na agad namang rumesbak sa rubber match para matamis na kunin ang panalo.

Nakumpleto ng Pilipinas ang sweep sa torneo matapos mamayagpag si Filipino-Canadian Alex Pagulayan sa 6th Annual Big Tyme Classic One-Pocket Tournament na ginanap sa parehong venue noong Linggo.

Ito ang ikalawang korona ni Orcollo sa taong ito.

Una nang naghari si Orcollo sa Derby City Classic 14.1 Straight Pool Challenge na ginanap noong Enero sa Elizabeth, Indiana sa Amerika.

Sasabak naman ang mga Pinoy cue masters sa 2018 Chinese Billiards and Snooker Association Mixed Doubles Tournament na ginaganap sa Guangzhou, China. / Chris Co (Pilipino Star Ngayon) – April 5, 2018 – 12:00am / All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet ..aseanews.net | [email protected] / For comments, Email to : SPORTS STATION | [email protected] | Contributor

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page