POLITICS-COUP D’ ETAT: MANILA / BANSA – No coup plot vs Digong – AFP

.
.

MANILA, Philippines — Tiniyak ni AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez na mananatiling tapat sa lide­rato ni Pangulong Duterte ang 125,000 ma­lakas na puwersa ng Armed Forces of the Philippines.

Ito’y sa gitna na rin ng kumalat na balita sa Facebook post mula umano sa mga sundalo ng “Southern Command” na dismayado sa pamamalakad ni Pa­ngulong Duterte na umano’y kakalas na ng suporta.

“Its fake, its fake because there is no SouthCom that exist and at the same time the current conditions or the morale of the Filipino soldiers is much different,” ani Galvez sa mediamen.

Sinabi ni Galvez na walang dahilan para ku­ma­las sila ng suporta sa Commander-in-Chief dahil kinakalinga nito at pinagmamalasakitan ang kapa­kanan ng mga sundalo, una na rito ang mataas na umento sa suweldo.

“The President has a good relationship with soldiers, especially those who are wounded and staying in hospitals. He (even) stayed for 10 minutes talking with the soldiers. He also gives benefits to our soldiers,” ani Galvez.

Bukod dito ay patuloy ang pagpapatupad ni Pangulong Duterte ng modernisasyon ng AFP partikular na sa kanilang mga armas at iba pang kagamitang pandigma.   / Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) – May 16, 2018 – 12:00am /

All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet ..aseanews.net | aseanews@hotmail.com / For comments, Email to : Aseanews.Net | aseanews@yahoo.com | Contributor:-

 

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page