E! MANILA- Batikang mang-aawit na si Rico J. Puno pumanaw na

Namaalam na ang batikang mang-aawit na si Rico J. Puno

– Naospital kamakailan ang mang-aawit dahil sa komplikasyon ng diabetes sa kaniyang puso

– Bumuhos ang pakikiramay at pagdadalamhati sa social media sa pagpanaw ng isang haligi ng musikang Pilipino

..

ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
.Bumaha ang pakikiramay at pagdadalamhati sa malungkot na balitang bumulaga sa mamayang Pilipino ngayong araw, October 30. Pumanaw na ang batikang mang-aawit na si Rico J. Puno.

Nauna nang iniulat ng DZRH bandang alas tres ng madaling araw ang pagpanaw ng mang-aawit. Ayon sa ulat, pumanaw si Rico ng ala-una ng madaling araw. Ito daw ay dahil sa kanyang sakit sa puso. Kinumpirma din daw ito ng ilang kasamahan ng mang-aawit sa industriya.

Sa Facebook naman ay marami ang nagbalik tanaw at nagpatotoo sa pagiging mabuting tao ni Rico.

.

.
ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
.

Matatandaang taong 2015 nang sumailalim sa triple bypass surgery ang mang-aawit kaya isinugod siya sa hospital habang nasa taping ng Home Sweetie Home.

Nagkaroon din siya ng minor stroke sa gitna ng kanyang concert sa Resorts World Manila. Sa kabila ng pinagdaanan ay tuloy pa rin sa pagtatrabaho si Rico ngunit napapansin ng kanyang mga katrabaho na mabilis na diumano siyang mapagod.

Si Enrico de Jesus Puno o mas kilala sa tawag na Rico J. Puno ay ipinanganak noong February 13, 1953. Siya ay kilalang mang-aawit, komedyante at TV host at hinangaan din sa kanyang malaking ambag sa OPM.

.

Gloria Mae Monserate

.
ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
.

All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet ..aseanews.net | [email protected] | For comments, Email to : Zhubiz Chezmiz | [email protected] | – Contributor

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page