EDITORYAL – Nalusutan ang AFP

EDITORYAL – Nalusutan ang AFP

 .
.

ISINISISI sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kung bakit naganap ang dalawang magkasunod na pambobomba noong Linggo sa Jolo Cathedral na ikinamatay ng 21 katao at ikinasugat ng 100 iba pa. Maliwanag na naging relaxed ang mga sundalo kaya malayang naisagawa ang pambobomba. May nagsabing suicide bombers daw ang may kagagawan. Mag-asawa raw ang pumasok at pinasabog ang sarili. Maski si President Duterte ay ganito rin ang sinasabi, mag-asawang suicide bombers ang may kagagawan.

Ang nakapagtataka, paano nakalusot ang ikalawang pambobomba na hindi man lang naamoy ng military. Isang nakaparadang motorsiklo na may lamang bomba ang ipinarada sa labas ng simbahan at pinasabog. Paano ipaliliwanag ng military ang ganitong pangyayari na nalusutan sila ng mga terorista at naganap habang pinaiiral ang martial law sa Mindanao. Saan nila ginagamit ang pondo na nakalaan para sa intelligence? Malaking katanungan ito na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan.

Pero ang malinaw, nagkulang ang military kaya nangyari ang “kambal na pagsabog” sa Jolo Cathedral. Kung naging mahigpit sana sila sa pag-iinspek­siyon sa mga pumapasok sa simbahan, hindi sana naisagawa ang pagpapasabog, ma-suicide bombers man o sadyang iniwan ang bomba sa simbahan.

.

ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –

Dati ay mayroon umanong desk ang mga sundalo malapit sa pintuan ng cathedral at kinakapkapan nila ang mga magsisimba pero wala na iyon ngayon. Maraming nagtataka kung bakit inalis iyon ng mga sundalo. Naging kampante ang mga sundalo na sinamantala ng bombers.

Nakapagtataka rin na dati ay may mga nagba­bantay na sundalo sa labas ng cathedral pero wala na rin iyon ngayon. Wala umano kahit isang sundalo. Iyon ang nasilip ng bombers kaya iniwan ang motorsiklong may bomba sa bakuran ng simbahan at saka pinasabog gamit umano ang cell phone bilang triggering device.

Maski ang Philippine National Police (PNP) ay nagsabing nagkulang ang military kaya nangyari ang pambobomba. Naging “relaxed” umano ang military dahil ilang taon nang walang nangyayaring pambobomba sa nasabing lugar.

Nalusutan ang AFP at masakit ang kapalit. Maraming buhay ang nasayang na hindi sana nangyari kung naging alerto sana ang military. Para ano pa at may martial law sa Mindanao kung nalulusutan din lang ng mga terorista.

Pilipino Star Ngayon

.

– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –

.

 

.

All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet ..aseanews.net | [email protected] |.For comments, Email to :D’Equalizer | [email protected] | Contributor

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page