OP-ED: EDITORYAL – ‘Kotong cops, tuloy pa rin kahit mataas na ang suweldo’

NASA buto na yata ang pangingikil o pangungotong ng ilang pulis. Hindi na nila mapigil ang sarili at “kumakana” pa kahit tinaasan na ni President Duterte ng suweldo. Ang Police Officer 1 (PO1) ay sumusuweldo na ngayon ng P42,000 mula sa dating suweldo na P21,000.

Noong Huwebes, limang pulis mula sa Southern­ Police District (SPD) ang sinibak dahil sa pangi­ngikil nila sa isang babae na nahuli nilang nagsu­sugal. Ang mga sinibak ay sina PO3 Simon Res­picio, PO2 Jimmy Abadines, PO1 Randy Ma­ngu­at, PO1 Kervilyn Dugyave at PO1 Moli Esmail. Hinihi­ngian umano ng limang pulis ng P200,000 ang babae hanggang sa bumaba sa P20,000. Nahuli ang lima sa entrapment operations at agad na sinibak.

Kapag may mga pulis na nasasangkot sa masamang gawain ay napapaiyak si PNP chief Director General Ronald dela Rosa. Napapahiya na siya sa kakahiyang idinudulot ng kanyang mga tauhan. Sa pag-iyak na lamang niya idinadaan sapagkat kahit anong gawin, hindi niya madisiplina ang ilang pulis.

Hindi lamang mga PO1, PO2 at PO3 ang sangkot sa pangungotong meron ding mataas ang ranggo. Gaya ng ginawa ng chief of police sa Sasmuan, Pam­panga kamakailan. Inaresto si Senior Insp. Bulanadi dahil sa pang-eextort ng halagang P30,000 sa may-ari ng peryahan. Hindi na nakapalag si Bulanadi nang arestuhin.

Ilang linggo na ang nakararaan, anim na pulis mula sa Caranglan, Nueva Ecija ang inaresto dahil sa reklamo rin ng pangungotong. Ayon sa mga biyahero ng gulay, obligado silang “magbato” ng P5 sa mga pulis. Kapag hindi sila nakapagbigay o “nakapagbato” ng P5 ay hahabulin sila ng mga pulis. Mayroon daw motorsiklo ang mga ito kaya hindi sila makakatakas.

Nakilala ang anim na kotong cops na sina SPO1 Antonio Otic, PO3 Danilo Sotelo, PO3 Ronald Buncad, PO3 Oliver Antonio, PO2 Rodrigo Edralin at PO3 Romeo Nuñez II. Agad ipinag-utos ni General dela Rosa ang pag-disarma sa anim na pulis at pinasisibak na sila sa puwesto.

Maiiyak talaga si Bato sa ginagawa ng ilang pulis dahil kung kailan tinaasan ng suweldo ang mga ito, saka sila naging aktibo sa pangungutong. Ginagawa ng Presidente ang lahat para mailagay sa ma­ayos ang mga pulis pero sagad na sa buto ang kawa­lang­hiyaan ng ilan. Kailangang mareporma ang mga baguhang pulis. Kakahiya na sila!

 

COURTESY:
Pilipino Star Ngayon

.

NOTE : All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet ..aseanews.net | [email protected] |
.

For comments, Email to :
D’Equalizer | [email protected] | Contributor.

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page