FOOTBALL-PHILIPPINE AZKALS: MANILA – Docu film ng Azkals player na naghahanap ng nanay mapapanood sa mga sinehan!
Promise, nakakabilib din ang life story ni Simone na hindi pa rin nahahanap ang kanyang biological mother na nang-iwan sa kanya sa Buklod Kalinga Para sa Kapwa in Parañaque sa kabila ng kanyang paghahanap sa maraming probinsiya
Ilang linggo matapos siyang iluwal, dinala si Simone sa orphanage ng kanyang ina. Buong puso siyang tinanggap ng madre sa nasabing ampunan pero hindi siya nagtagal doon dahil inampon siya ng mag-asawang Italian. Ibiniyahe siya sa Milan, Italy at doon na lumaki.
Football ang interes niya mula sa pagkabata. At ito ang binigyan niya ng priority kesa pag-aaral.
Nakapaglaro siya professionally sa kung saang-saang bansa sa Europe hanggang imbitahin siya ng grupong Stallion na maglaro sa bansa noong 2014.
‘Yun ang simula ng career ni Simone sa Pilipinas na matagal niyang pinangarap bukod sa talagang gusto niyang balikan ang birth place niya. Kinabiliban ang husay niya. At pinupuri si Simone hindi lang dahil sa galing na ipinakita sa paglalaro ng football kundi sa kanyang kabaitan.
Ayon sa pahayag ng mga naging kaibigan na niya, na kahit sa Italy siya lumaki, hindi nawala ang Filipino values niya. Hindi rin daw naging mayabang si Simone dahil mula pagkadating niya ng bansa, tinanong na agad nito ang coach nila kung paano mag-commute papunta sa kanilang training venue at ito na rin daw ang naglinis nang pinatirhan sa kanyang condo.
Hanggang maging member nga siya ng national football theme natin, ang Azkals, kung saan siya ang nagpanalo sa mga crucial game ng Azkals kaya naging star siya at talagang tinilian sa ibang bansa.
Pero nagkaroon siya ng injury at isang taon siyang hindi nakapaglaro. “I have a partial ACL and PCL tear,” pagkukuwento niya sa docu film.
Ang maganda naging positive ang pagtanggap niya sa nangyari at mas pinili niyang balikan ang kanyang pinanggalingang ampunan kung saan nga siya tumira habang nagpapagaling. At doon nila sinimulang hanapin ang kanyang biological mother. Nag-ikot sila sa maraming probin siya, mula sa Cavite, nakarating sila ng Bicol, Cebu at iba pa pero wala talagang nangyari, walang nakapagturo kung sino at nasaan ang tunay na ina niya.
Marami namang umaangkin lalo na nang ma-feature siya sa show ni Dyan Castillejo pero walang nag-match sa DNA test.
Base sa docu film, nakakabilib ang kabaitan ni Simone kung saan nagturo pa siya sa mga batang nasa ampunan ng basic Italian words, nagpa-football clinic at naging father figure sa isang bagets na ang buong pakilala niya ay ang football star ang kanyang ama.
Sobrang touching ang mga pinagdaanan niya habang hinahanap niya ang totoo niyang pamilya na may blessing ng kanyang Italian parents. Hindi nga lang ipinakita sa docu ang girlfriend niyang beauty queen, si Ariella Arida.
Pero ok na rin at least nag-focus talaga ang mga director sa kuwento niya at kung paano puwedeng gawing inspiration ng mga tulad niyang nanggaling sa orphanage ang buhay ng football player.
Panoorin n’yo. Hindi man pelikula ang Journeyman…, pero pang-pelikula ang kuwento ng buhay ni Simone na papasa rin sanang artista at basketball player.
Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Journeyman Finds Home: The Simone Rota Story at isa ito sa official entries sa 2018 Sinag Maynila Film Festival.
Nalaman ko lang sa IG account ni Simone na magkakaroon sila ng gala night tonight sa SM Megamall.
SHOW-MY – Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) – March 8, 2018 – 12:00am
.
NOTE : All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet ..aseanews.net | [email protected] / For comments, Email to :
SPORTS STATION | [email protected] | Contributor