POLITICS-BANSA: BATAS – De Lima kabilang sa world’s greatest leaders ng Fortune Magazine
MANILA, Philippines — Isinama ng New York-based business magazine na Fortune si Sen. Leila de Lima sa “World’s 50 Greatest Leaders.”
Nasa ika-39 na pwesto ang nakakulong na si de Lima na isa sa matitinding kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakasama ang senadora dahil sa patuloy niyang pagtutuligsa sa extrajudicial killings sa bansa mula nang ilunsad ni Duterte ang kampanya laban sa ilegal na droga.
“President Rodrigo Duterte’s hard-line policies against drug dealers are polarizing globally, but in the Philippines they’ve faced little dissent. De Lima, who headed a committee investigating hundreds of extrajudicial killings under Duterte’s leadership, has been a noble exception,” nakasulat sa magazine.
Nakakulong si de Lima sa Philippine National Police custodial center dahil sa ilegal na droga. Bago siya makulong ay pinatalsik siya ng Senado sa komite na nag-iimbestiga sa mga pagpatay.
Hindi ito ang unang pagkakataon na kinilala ang tapang ni de Lima. Nakasama na siya sa 100 Most Influential People by Time Magazine, habang nasa notable Women Human Rights Defenders in 2017 ang senadora ng Amnesty International.
Pasok din siya sa 2016 at 2017 Leading Global Thinkers ng Foreign Policy Magazine at Southeast Asia’s Women to Watch ng Diplomat Magazine.
Ilan sa mga kasama ni de Lima sa Fortune Magazone sina Bill at Melinda Gates, South Korea President Moon Jae-in, TV host Oprah Winfrey, New Zealand Prime Minister Jacinda Arden. /Pilipino Star Ngayon- April 20, 2018 – 1:01pm / All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet ..aseanews.net | [email protected] / For comments, Email to : Aseanews.Net | [email protected] | Contributor:-