KALUSUGAN v. DENGUE: MANILA – Dengvaxia, ligtas at mabisa ayon sa Strategic Advisory Group of Experts on Immunization o SAGE ng World Health Organization (WHO)

Isa sa pinakaimportanteng laman ng ulat ay ang pagkilala sa ‘public health value’ ng dengvaxia kung saan sinabi nila na ang pangkalahatang benepisyo ng bakuna ay kapaki-pakinabang sa publiko. /KJ Rosales.

.
.

MANILA, Philippines — Naglabas na ng ulat ang Strategic Advisory Group of Experts on Immunization o SAGE sa World Health Organization (WHO) ukol sa bisa ng bakunang Dengvaxia.

Isa sa pinakaimportanteng laman ng ulat ay ang pagkilala sa ‘public health value’ ng dengvaxia kung saan sinabi nila na ang pangkalahatang benepisyo ng bakuna ay kapaki-pakinabang sa publiko.

Higit pa rito, tiniyak rin ng ulat na mabisa at ligtas ang bakuna sa mga ‘seropositives’ o sa mga nagkaroon na ng dengue. Makikita rin sa website ng WHO ang bagong report na ito.

Isa ring importanteng punto ay ang ‘pre-vaccination screening’ kung saan isinasaad na maaaring matanggap ng bakuna maski walang ‘pre-screening’ lalo na sa mga bansang may “hyperendemic settings” katulad ng Pilipinas.

.

Bagama’t inirerekomenda ang pre-screen test  ay inamin ng mga eksperto na sa ngayon ang nararapat na test ay pinag-aaralan pa.

Kaalinsabay nito, nagbigay-pahayag din naman ang mga eksperto sa ating bansa tulad ni Dr. Edsel Salvaña, isang kilalang infectious disease expert na mahalagang ipaalam sa publiko ang ulat upang ito’y magbigay kalinawan sa isyu ngayon ng dengvaxia at nang maging panatag naman ang kalooban ng publiko lalung-lalo na ng mga magulang ng mga batang naturukan ng bakuna.

Diin pa ni Salvaña, katulad ng binanggit noon ng international expert na si Dr. Scott Halstead sa huling pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa senado, ang “neurotropism” at “viscerotropism” na iniuugnay ng PAO sa dengvaxia ay wala rin daw basehan. / Doris Borja (Pilipino Star Ngayon) – April 26, 2018 – 12:00am/ All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet ..aseanews.net | [email protected] | For comments, Email to :  Al Bulario | [email protected] | Contributor |

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page