GRAFT & CORRUPTION: MANILA – Anak ni Kabayan (dating Bise Presidente Noli de Castro) iimbestigahan

Ayon sa isang opis­yal ng DoT, iimbestigahan din ng DoT si De Castro na kasalukuyang nasa floating status.

 .

.

MANILA, Philippines — Hindi lamang si da­ting Tourism Promotion Board chief Cesar Montano ang nalalagay sa kontro­bersiya kundi ma­ging si da­ting Under­secretary of Tourism Advocacy and Public Affairs Katherine de Castro.

Ayon sa isang  opis­yal ng DoT, iimbestigahan din ng DoT si De Castro na kasalukuyang nasa floating status.

Kinukumpleto na lamang nila ang mga dokumento hinggil sa umano’y mga biyahe nito sa abroad at events na pinasok ni De Castro kung saan kasama nito ang kanyang nobyo.

Nabatid na ang  nobyo ni de Castro ay may sariling banda na kinukuha umano ng opisyal upang tumugtog sa mga events.

Madalas din uma­nong kasama ni de Castro sa mga out of town ang kanyang kasintahan. Nais malaman ng DoT kung dumaan sa proseso ang pagkuha sa banda sa tuwing may events ang  DoT.

Hinihintay na lamang ng DoT na magsumite ng courtesy resignation si De Castro. Hindi lamang matanggal si De Castro dahil kaibigan ni ­Tourism Secretary Berna Romulo Puyat ang ama nitong brodkaster na si Noli De Castro.

Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) – May 25, 2018 – 12:00am
It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page