EDITORIAL & ED CARTOONS: Manila – Mga batang palaboy naman ang damputin
Dahil sa ganitong senaryo, marami ang umangal. Binatikos ang crackdown. Lalong uminit ang batikos nang isang nagngangalang “Tisoy” ang namatay sa detention cell sa Quezon City makaraang arestuhin ng mga pulis sa dis-oras ng gabi. Sinabi naman ng Presidente na wala siyang sinabing arestuhin ang mga tambay. Pagsabihan daw ang mga ito at pauwiin. Kapag hindi umuwi, talian ang kamay at dalhin sa Ilog Pasig.
Sinabi naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na mali ang ginawang pag-aresto sa mga “tambay”. Ang dapat hulihin ay mga nag-iinuman sa kalye sa dis-oras ng gabi at nakakabulahaw, naninigarilyo at umiihi sa publiko at yung mga sumisigaw at nagwawala sa kalaliman ng gabi. Hindi raw puwedeng basta imbitahan o dalhin sa presinto ang mga nahuhuling “tambay”.
Marami na ang naaresto bago pa naitama ang pagpapatupad sa utos ni Duterte. Bagama’t marami na ang nasampolan ng kawalang-kaalaman ng ilang pulis ukol sa batas, siguro naman ay hindi na mauulit ang basta pagdampot o pag-aresto
.
Ngayong hindi na basta-basta maaaresto ang tambay, ang dapat pagdadakmain ng mga pulis ay napakaraming batang palaboy na nagkalat sa Metro Manila. Pinakamaraming palaboy na bata sa Maynila at Quezon City. Ang mga batang ito ay sumasampa sa mga bumibiyaheng truck kung gabi at ninanakawan ang mga ito. Kinukuyog din ng mga batang ito ang drayber ng dyipni na ayaw silang pasakayin. Ilang insidente na ng pagkuyog sa driver ang nangyari at pagkatapos ay ninakawan pa ito. Mas makabubuti kung uunahin ang pagdakma sa mga batang palaboy kaysa “tambay”. / Pilipino Star Ngayon) – July 1, 2018 – 12:00am
ASEAN EDITORIAL & CARTOONS:.
All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet ..aseanews.net | [email protected] |.For comments, Email to :D’Equalizer | [email protected] | Contributor