EDITORIAL: MANILA – Paalala ng PNP para iwas rape

EDITORYAL – Paalala ng PNP para iwas rape
(Pilipino Star Ngayon) – July 23, 2018 – 12:00am

NAG-VIRAL sa social media ang 10 paalala ng Angono­ police sa mga kababaihan para hindi­ ma-rape. Binatikos ng mga kababaihan at ng women’s­ group ang paalala sapagkat tila ang mga biktima ang napagbubuntunan ng sisi kaya na-rape. Uma­bot nang mahigit 2,000 ang mga reaksiyon sa pa­alala ng Angono police. Ang Number 2 at 4 tips ang labis na ikinagalit ng netizens. Ang Number 2 tips ay nagsasaad na “Huwag magsuot ng maikling damit” samantalang ang Number 4 ay “Kung makikipag-date, huwag uminom ng alak.”

Sa himig ng No. 2 at No. 4 tips ang sinisisi nila ay ang biktima dahil sa pagsusuot ng revealing na damit kaya siya nagahasa. Sa halip na ang bagsakan ng sisi ay ang nang-rape, ang babaing may maikling damit ang sinisisi. Masyadong mababaw ang katwiran ng Angono police na para makaiwas ang kababaihan sa mga posibleng paggahasa ay huwag magsusuot nang maikli.

Nakakababa naman ng moral ng kababaihan ang Number 4 tip kung saan ang paalala ay huwag iinom ng alak ang babae kapag makikipag-date para hindi magahasa. Hindi akma ang paalalang ito ng Angono­ police na sa halip na matuwa ang mga kababaihan ay nagalit dahil nakabababa ng pagtingin.

Sa tono ng paalala, ang sinisisi ng Angono police kaya may mga nagagahasang babae ngayon ay dahil na rin sa kilos at pananamit ng mga ito. Para bang nilalahat na nila ang kababaihan kaya masyadong naging marahas ang paalala. Maaaring ang nasa isip nila ay may mga babaing nagagahasa dahil nakipag-inuman sa boyfriend o sa barkada kaya nangyari ang insidente.

Pero nanindigan naman ang Angono police sa kanilang paalala sa mga kababaihan. Wala raw naman silang masamang intensiyon at nagpapapaalala lamang sa mga kababaihan lalo pa’t maraming nang­yayaring krimen sa kasalukuyan.

Sana sa halip na magbigay ng tips ang Angono police, pag-ibayuhin na lamang ang pagbabantay sa komunidad para mapigilan ang krimen lalo na ang pangre-rape. Sa ganitong paraan, higit na mapapangalagaan ang seguridad ng kababaihan. Police visibility ang nararapat para hindi magkaroon ng pagkakataon ang mga “gutom sa laman”. Matutuwa ang mga kababaihan kapag maraming pulis sa kalye lalo na sa gabi.

.

ASEANEWS EDITORIAL & CARTOONS:.

7.1.   D. Tribune –  Peace path remains open <> Concept News Central – Holdout

 

7.2. M. Bulletin –People’s Initiative just to cancel the elections?

e-cartoon-jul-24-2018

7.3.  The Manila Standard –  Side show

7.4.  The Manila Times –POLITICIANS AND GUESTS ARRIVE IN STYLISH WEAR

 7.5.  The Philippine Daily Inquirer –Chance to do right with 3rd telco
7.6   The Philippine Star –  Politics as usual

7.  Paalala ng PNP para iwas rape    –   Pilipino Star Ngayon  –  HOUSE HUHUBARAN ng PANTALEON!

8.1.  For The Straits Times                                     –The new global order under Trump


Jonathan Eyal –  Europe Correspondent

Jonathan Eyal was born in Romania, but has lived most of his life in Britain. Educated at Oxford and London universities, his initial training was in international law and relations, in which he obtained both his first degree and his Master’s with a Distinction. His doctorate, completed at Oxford in 1987, analysed relations between ethnic minorities in Eastern Europe. After teaching at Oxford for three years, Dr Eyal was appointed a researcher at the Royal United Services Institute for Defence Studies in London. Since 1990, Dr Eyal has been Director of Studies at the Institute. Dr Eyal has authored books on military relations in the Balkans and Eastern Europe, and became a regular commentator for The Guardian newspaper in London. He started writing for The Straits Times in 2001, and is currently the paper’s Europe Correspondent. He is fluent in French, Romanian, Italian, Hungarian and German.

 .
9.1.  Regime’s best-laid plans still subject to folly –
VEERA PRATEEPCHAIKUL FORMER EDITOR
– The Bangkok Post
.
10.1   Keeping a balanced view on access to high places – Viet Nam News by Thu Trang
llustration by Trịnh Lập
# Unanimous –  Hello Supreme Leader Xi…  Where are my BILLION$ ???

Avatar

  All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet ..aseanews.net | [email protected] |.For comments, Email to :D’Equalizer | [email protected] | Contributor

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page