UN HUMAN RIGHT’S: 45-1 boto ng UNHRC dobleng sampal sa Philippines delegation
MANILA, Philippines – Dobleng sampal umano sa delegasyon ng bansa ang botong 45-1 ng mga delegado ng United Nations Human Rights Council na humihikayat sa Pilipinas na gumawa ng karampatang aksiyon para matigil na ang extra judicial killings (EJKs) sa bansa.
Ito ang sinabi kahapon ni Sen. Leila de Lima kaugnay sa ginawang botohan ng UNHRC sa isyu ng EJKs sa Pilipinas.
Ayon kay de Lima, maliwanag na binalewala at hindi binili ng UNHRC ang hindi makatotohanang pahayag ni Sen. Alan Peter Cayetano sa council tungkol sa human rights accomplishment ng administrasyong Duterte.
Nakatitiyak si de Lima na hindi maloloko ang mga delegado ng UNHRC tungkol sa mga nangyayaring patayan sa Pilipinas kaugnay sa isyu ng iligal na droga.
Nanawagan din ang mga delegado sa gobyerno ng Pilipinas na payagan si UN Special Rapporteur Agnes Callamard na imbestigahan ang mga EJKs.
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
.
Dagdag ni de Lima na panahon na para lunukin ng Malacañang ang pride nito at tigilan na umano ang mga kalokohan tungkol sa “fictional numbers” ng bilang ng mga sinasabing lulong sa ilegal na droga sa bansa.
Naniniwala rin ang senadora na matatagalan bago maka-recover ang Malacañang at si Cayetano sa diumano’y dobleng sampal na inabot nila sa UNHRC.
Anya pa, tanging ang China lamang ang naging kakampi ng gobyerno dahil na rin sa umano’y pagbibigay ng pabor ng gobyerno sa nasabing bansa sa isyu ng Spratlys at West Philippine Sea.
.
All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet..aseanews.net | [email protected] / For comments, Email to : Aseanews.News