DU30’S MARTIAL LAW: MANILA- ‘Reign of terror’ ni Sis Fox sinalag ng Palasyo

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na kung may naghahari man sa ginagawang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga, ito’y ang “reign of fear” o takot sa hanay ng mga patuloy na lumalabag sa nabanggit na krusada ng gobyerno. / Boy Santos
.
.

MANILA, Philippines — Inalmahan ng Malacañang ang banat ni Australian Missionary Patricia Fox na “reign of terror” o naghahari ang karahasan sa anti-drug war ng gobyernong Duterte.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na kung may naghahari man sa ginagawang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga, ito’y ang “reign of fear” o takot sa hanay ng mga patuloy na lumalabag sa nabanggit na krusada ng gobyerno.

Bukod dito, umiiral anya ang reign of strict enforcement in the implementation of law at walang kuwestiyong alam ito ng mga mahilig lumabag sa batas.

Hindi aniya exempted dito si Sister Fox na aniya’y walang dudang lumabag sa immigration laws ng bansa kaya ito naipa-deport pabalik ng Australia bunsod ng pakikilahok nito sa mga political rally na hindi niya dapat ginawa gayung siya’y isang dayuhan.

.

ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
.

Ayon pa kay Panelo, si Sister Fox ay halimbawa ng isang ingratang turista na walang nakitang maganda at puro reklamo sa bansang mainit na tumanggap sa kanya noon.

Hindi naman makapaniwala si Sen. Panfilo Lacson sa mga sinabi ng madre na hindi kumakatawan sa turo ng simba­hang Katoliko.

“First, I couldn’t believe those words were uttered by a nun. She just can’t contain her bitterness and hatred which doesn’t represent the teaching of the Catholic church,” sabi ni Lacson.

Sinabi ni Lacson na mas mabuti kung naghandog na lamang ng dasal si Fox para sa mga opisyal ng gobyerno na binabatikos nito.

Dapat din aniyang ipinagdasal na lamang ni Fox ang sambayanang Filipino na sinasabi nitong mahal niya.

Dagdag ni Lacson, may mga nilabag na batas si Fox partikular ang pagsama sa political acti­vity kaya kinailangan itong patalsikin sa bansa. / Rudy AndalMalou Escudero (Pilipino Star Ngayon)

 .

All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet..aseanews.net | [email protected] / For comments, Email to : Aseanews.net

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page