OP ED EDITORIALS & CARTOONS: Pilipino STAR Ngayon – Leksiyon sa mga ‘utak pulburang’ pulis

MULA nang maglunsad ng kampanya laban sa illegal na droga ang Duterte administration, parang mga asong ulol ang ilang pulis na huli rito, huli roon ang ginawa. Dampot dito, dampot doon. Tokhang dito, tokhang doon. At hindi lang basta pagdampot sa taong pinaghihinalaang sangkot sa droga ang ginagawa kundi binabaril pa kahit nagmamakaawa na.

Nagmistulang binigyan ng lisensiya ang mga pulis para lipulin ang mga pinaghihinalaang drug pusher o maski ang mga addict. Nagpalakas sa kanilang loob ang binitawang pananalita ni President Duterte na tutulungan ang mga pulis na kaka­suhan dahil sa pagpatay sa mga drug suspects. Ang resulta, sumobra ang pagpapakita ng suporta sa drug campaign kaya kahit mga kabataan na wala namang kasalanan ay hinuhuli at walang awang pinapatay.

Halimbawa ay ang ginawa ng tatlong pulis mula sa Caloocan na hinuli ang binatilyong si Kian delos Santos, dahil drug courier umano ito, base sa sinabi ng police imformant. Dinala si Kian sa isang makipot na eskinita at doon pinaamin. Sinampal din umano ito. Nagmakaawa si Kian na huwag patayin. Ayon sa mga nakasaksi, binig­yan ng baril si Kian at sinabihang tumakbo. Nang ayaw tumakbo, binaril ito habang nakaluhod. Tatlong tama ng bala ang tinamo ni Kian – dalawa sa ulo at isa sa likod.

ADVERTISING

Habambuhay ang inihatol ni Judge Rodolfo Azucena ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 125 sa mga pulis na sina PO1Jere­mias Pereda, PO1 Jerwin Cruz at PO3 Arnel Oares dahil sa pagpatay kay Kian.

Naganap ang pagpatay sa panahon na may isinasagawang “One Time, Big Time” drug ope­rations sa lugar. Mistulang mga gutom na aso na pinakawalan ang mga pulis Caloocan na bawat makursunadahang itumba ay itutumba para masabing ginagawa nila ang tungkulin. Wala na silang pakialam kung ang maitumba ay inosente. Basta magpapasikat sila sa rami nang napatay na drug suspects.

Maraming pulis na ‘‘utak pulbura’’ na kahit nagmamakaawa ang suspect ay papatayin pa rin. Matutuwa ang marami kung mahuhuli at mapa­parusahan ang mga “utak pulburang” pulis.

.
ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
.

.

ASEANEWS EDITORIAL & CARTOONS:

7.1.DAILY TRIBUNE-  Hot potato- DAILY TRIBUNE / – CONCEPT
– Manila’s lost glory

7.2.  Manila Bulletin – Japan needs foreign workers in many fields

e-cartoon-nov-7-2018

 

 

 

 

 

 

Japan’s Prime Minister Shinzo Abe has called on Japan’s parliament to enact a law, supported by the country’s business leaders, aimed at getting more foreign…
.
ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
.

.

 7.3. MANILA STANDARD –Back to chambers

7.4  The Manila Times – JOINT OIL AND GAS EXPLORATION

 7.5.  The Philippine Daily Inquirer –Bonifacio: ‘Fear history’
.
7.7.  Pilipino STAR Ngayon – Leksiyon sa mga ‘utak pulburang’ pulis
 .
7.8   The Straits Times

The Straits Times says:
Disaster response a responsibility for all

When The Straits Times named a group of people and relief organisations, collectively called The First Responders, as Asians of the Year, it was to send a message to the region as much as to recognise the work of the unselfish stalwarts involved in relief efforts. The message is that while much of Asia has been fixated on geostrategic issues, the region has tended to overlook the significance of threats from disasters, whether they be earthquakes and tsunamis in Indonesia, or floods in Japan and Southern India. Some of these calamities are acts of God. But many are the result of Man’s incessant violation of Nature. Either way, such disasters have left many stunned because of their frequency, intensity and reach.

Two things have been clear for a decade. First, Asia has become the region most vulnerable to natural disasters. Second, the scale and intensity of disasters have grown. South-east Asia, where average temperatures have been rising every decade since 1960, seems particularly vulnerable. The Global Climate Risk Index listed Vietnam, Myanmar, the Philippines and Thailand among the 10 nations most affected by climate change in the past two decades. The Asian Development Bank, which said in 2009 that clim

TO READ THE FULL ARTICLE:  https://www.straitstimes.com/opinion/st-editorial/disaster-response-a-responsibility-for-all

.

ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
.

.

All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet ..aseanews.net | [email protected] |.For comments, Email to :D’Equalizer | [email protected] | Contributor

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page