MANILA- Isang 39-anyos na Pinay worker ang pinugutan sa Saudi Arabia

Hindi na binanggit ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkakakilanlan ng Pinay sa pakiusap na rin ng pamilya nito.

 .

MANILA, Philippines — Isang 39-anyos na Pinay worker ang pinugutan sa Saudi Arabia nitong Martes matapos mapatunayang guilty sa kinakaharap na kasong murder noong 2015.

Hindi na binanggit ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkakakilanlan ng Pinay sa pakiusap na rin ng pamilya nito.

Ayon kay DFA spokes­person Usec. Elmer Cato, mismong Supreme Judicial Council ng Saudi ang tumanggi sa alok na blood money o bayad danyos ng gobyerno.

.

ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
.

Iginiit umano ng korte sa Saudi ang nilalaman ng Sharia Law kung saan hindi pwedeng iatras ang death sentence kapalit ng ayuda sa mga kasong gaya ng murder.

“The Department reg­rets that it was not able to save the life of the Filipina after the Saudi Supreme Judicial Council classified her case as one in which blood money does not apply under Shariah law,” ani Cato.

Nilinaw din ng DFA na hindi nagkulang ang pamahalaan sa mga hakbang para mailigtas sa hatol na bitay ang Pinay.

Batay sa ulat ng DFA, taong 2015 pa nakakulong ang Pinay matapos mapatay ang biktima.

Sa ngayon, tumanggi muna ang Foreign Affairs department na maglabas ng iba pang detalye sa kaso, bilang tugon sa hiling ng pamilya ng binitay na Pilipina.

Tiniyak naman ng DFA na sasagutin nila ang lahat ng gastos para makauwi sa Pilipinas ang labi ng OFW.

Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) .

ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
.

All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet..aseanews.net | [email protected] / For comments, Email to : Aseanews.net

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page