EDITORYAL – Tularan ang mga taga-Lobo

KUNG hindi pumalag ang mga taga-Lobo, Ba­tangas, baka nagdi-dredging na ang MV Eme­rald sa kanilang ilog. At magpapatuloy ang dredging­ sa iba pang lugar sa bansa dahil walang lumalaban sa ganitong illegal na gawain. Salamat at naging­ alerto ang mga taga-Lobo at napalayas ang MV Emerald na ang mga crew ay Chinese.

Nagulat na lamang ang mga mamamayan ng Lobo nang biglang lumitaw ang MV Emerald noong Marso 28 sa baybayin ng Bgy. Lagadlarin. Ang 2,900 ton MV Emerald ay napag-alamang nakarehistro sa Sierea Leone subalit ang mga tripulante at crew ay mga Chinese. Isang hopper dredger ang MV Emerald na balak mag-operate sa Lobo River.

Naalarma ang mga local na opisyal, mga mangi­ngisda at mga residente sa biglang pagdating ng barko. At lalo silang nagulat sa pakay nang pagdating ng barko — maghuhukay ito sa Lobo River para raw sa isang flood control project. At ang mahuhukay na buhangin ay dadalhin sa Hong Kong para sa gagawing bagong runway ng international airport doon.

At ang nakapagtataka, walang kaukulang papeles ang MV Emerald sa gagawing dredging. Ma­laking kuwestiyon din kung paano nakapasok sa teritoryo ng bansa ang barko na walang pahin­tulot. Napag-alaman na ang kompanyang Seagate Engineering­ and Buildsystems ang nagbigay umano­ ng permiso sa barko.

Pumalag ang mga taga-Lobo. Hindi sila papayag na hukayin ang ilog. Masisira ang ilog, ang mga bakawan at ang marine life. Malapit din ito sa Verde Island passage, isang marine sanctuary.

Salamat at naging handa at alerto ang mga taga-Lobo. Ganito rin sana ang gawin ng iba para maprotektahan ang pag-aari. Huwag hayaang ma­kapasok ang mga magsasamantala gaya ng ginawa sa Zambales na kinayod ang black sand doon. Patunayan na kayang ipagtanggol ang bayan sa mga gahaman.

.

 

ADS by Cloud 9:

– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
.

.


All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet ..aseanews.net | [email protected] |.For comments, Email to :D’Equalizer | [email protected] | Contributor

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page