EDITORYAL- Ng Pilipino Star Ngayon: MAYNILA- Ituloy, pagputol sa pangil ng ‘ninja cops
Bumaba na sa puwesto si PNP chief Gen. Oscar Albayalde. Nagpaalam siya noong Lunes makaraan ang flag ceremony sa Camp Crame.
Ginawa ni Albayalde ang pagbaba sa puwesto, tatlong linggo bago ang kanyang pagreretiro sa Nobyembre 8. Noong nakaraang linggo, idinawit si Albayalde na nakinabang sa recycling ng shabu na isinagawa ng kanyang mga tauhan noong 2013 sa Mexico, Pampanga kung saan siya ang hepe. Itinanggi ni Albayalde ang paratang. Itinalaga namang officer-in-charge si Lt. Gen. Archie Gamboa, kapalit ni Albayalde.
Maikli ang magiging papel ni Gamboa bilang OIC ng PNP sapagkat pipili si President Duterte ng bagong PNP chief kapag nagkabisa na ang pagreretiro ni Albayalde.
ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
<>
Pero kung siya (Gamboa) ang pipiliin ng Presidente, nasa tamang landas siya para ipagpatuloy ang nasimulan. Isa si Gamboa sa mga matunog na papalit na PNP chief. Ang dalawa pa ay sina Maj. Gen. Guillermo Eleazar at Lt. Gen. Camilo Cascolan.
Kung si Gamboa ang magiging PNP chief, nararapat niyang ipagpatuloy ang pagputol sa pangil ng mga police scalawags lalo na ang mga pulis na sangkot sa pag-recycle ng droga. Ang mga “ninja cops” na ito ang dahilan kaya lalong bumabagsak ang image ng PNP. Dahil sa ginagawa nilang pag-recycle ng droga, nasisira ang kampanya ng pamahalaan sa illegal drugs. Nakakahiya na kung sino pa ang mga pulis na inatasan para masawata ang pagkalat ng droga, sila pa ang muling nagkakalat nito para pagkaperahang muli.
ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
<>
Nararapat na ang mamumuno sa PNP ay magpapakita ng sigasig para masawata ang mga nagpapakalat ng droga. Kailangang magkaroon siya ng kamay na bakal laban sa kanyang mga tauhan na pumapasok sa illegal na gawain lalo pa ang drug recycling. Nararapat na hindi kumukunsinti sa kanyang mga tauhan na gumagawa ng kasamaan. Kailangang ang PNP chief ay may matibay na loob na ipagtatanggol at puprotektahan ang mamamayan laban sa mga masasama sa lipunan.
Pilipino Star Ngayon
THE EDITOR
All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet ..aseanews.net | [email protected]
For comments, Email to :D’Equalizer | [email protected]
ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
<>