PINOY TELESERYE: ABS-CBN “Pamilya Ko” – Award-winning Actress Sylvia Sanchez & Family
True-to-life lessons on motherhood and marriage from television’s favorite nanay
“Kumain lang kayo nang kumain ha,” bade award-winning actress Sylvia Sanchez, as she busily placed plate after plate of homecooked dishes in the middle of the table.
.
It was almost like a scene from one of her teleseryes save for the fact that she didn’t have any “teleserye children” around the table but instead The Sunday Times Magazine team and The Manila Times Digital TV crew just before this exclusive interview proceeded.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
Oh and also, it should be noted she was serving a very festive meal in an uber trendy kitchen, quite unlike the basic ulam at kanin and austere setting her popular drama anthologies tend to show. Because you see, TV’s Nanay Luz Magbunga on ABS-CBN’s “Pamilya Ko” actually lives a very comfortable life in a sprawling home within a posh subdivision, happy and thriving as wife to long-established businessman Art Atayde and mom to five beautiful and well-bred children.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
And yet, there remained a most striking similarity between the real Sylvia Sanchez at home and the unforgettable roles she’s been portraying from one hit teleserye to the next. Both Sylvias are very simple and down-to earth, very warm and genuine, and devoid of any pretense. In fact, she wasn’t the least bit conscious when The Sunday Times Magazine arrived and caught her in a far from glamorous house dress and half her head in curlers.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
“O ayan ha. Nakita n’yo na ‘kong naka-duster at rollers kaya close na tayo ha,” the highly respected actress gamely quipped, as a bunch of star struck camera and light men almost blushed in surprise.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
They were all the more chuffed when after lunch, the famous actress followed them to the living room where they were setting up for the shoot and merrily served them mounds of kakanin for dessert. Her hospitality also left a very interesting impression as she excused herself to change into her celebrity clothes — the colorfully humble rice cakes waiting to be hand in a roomful Arturo Luz pieces and other priceless artworks from the masters.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
Indeed, as the interview proceeded, amid the remarkable and endearing contrast of her lavish home and unassuming ways, it all became clear why Sylvia Sanchez turned into television’s favorite mother. It’s because this talented woman is as real as real can be; whether in person or in portraying a character. She is blunt as she is sweet, strict as she is indulgent, sensible as she is principled, and credible as she is inspiring.
What follows are the very words of one Jossette Campo-Atayde — a wife of strength and devotion, and a mother of wisdom and boundless love — who also happens to be the beloved actress that is Sylvia Sanchez.
This exclusive is definitely a must-read for women and a goldmine for lessons on how to live a happy family life while keeping one’s identity and dignity for life.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
The Sunday Times Magazine: Since your breakthrough role as an unwavering mother afflicted with Alzheimer’s disease in the hit series “The Greatest Love,” mothers have looked to you as a role model in caring for their families. But what are you really like as the woman of this lovely home?
Sylvia Sanchez: Normal ako. Ever since pumasok ako sa showbiz, artista ako on cam, but off cam, ayoko magpaka-artista kasi hindi totoo yun eh. Mas gusto ko talagang nasa bahay — kumakain, makipag lokohan sa mga anak ko, sa mga yaya ko at mag-alaga lang sa mga bata kung walang trabaho.
So even with your stature as a celebrity, do you really enjoy being a homemaker?
Nae-enjoy ko lahat lahat. Pagluto, pagayos ng bahay, pagayos ng kwarto namin. Gusto ko lang maayos lahat, kontento na ko dun. Honestly, OK nga lang sa akin yung wala na ako masyadong cash, basta pag nabuksan ko yung pantry ko lahat kumpleto. Alam mo yun, yung hindi mamomroblema yung asawa ko o mga anak ko pag nasa trabaho ako at oras na ng pag-kain? Security blanket ko talaga ang pagkain. (Laughs)
Pag hindi kumpleto yan, meron ditong palaging, nag-che-check, si Ria [Atayde, the actress and her daughter]. Bubuksan niya yung pantry tapos pag wala na yung ibang laman, pi-picturan niya yon tapos i-se-send niya sa Viber namin, “You have a big problem Ma!” Tapos mapapatakbo na ako sa grocery! Pero thank God si Ria, even if people see her as a sosyalera or inglesera, very responsible siya na anak. Pag may taping ako, siya ang pupunta sa grocery para sa mga kulang sa bahay.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
Having brought up Ria in our conversation, and then of course there’s your son Arjo who is also an actor besides yourself, how do you make sure they don’t bring their celebrity into the house?
Ang usapan namin, dito sa bahay may daddy and mommy na kailangan niyo sundin kahit kumikita na kayo, kahit sabihin nilang kilala na kayo. Wala sa amin yun dito sa bahay. Wag tayong mag yabangan dahil pamilya tayo dito. So, kung ano mang character ang meron ka sa teleserye mo, ang rule namin is iiwan yon sa trabaho at hindi iuuwi dito.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
But even if Arjo and Ria didn’t go into show business, they’d still be living quite a privileged life along with the rest of your children. How then do you keep them grounded?
Yun naman yung pinagmamalaki ko sa pamilyang ito — sa aming mag-asawa at sa mga anak ko. Kasi may regulasyon kami dito na dapat marunong kang tumulong sa ibang tao. At pag tumulong ka, wag mo nang ipapaalam sa iba. Pero [in saying that] I don’t mean against ako sa mga na dya-dyaryo or nagpapa-dyaryo pag may nagawa sila, especially pag sikat ka kasi talaga madya-dyaryo at madya-dyaryo ka naman talaga. Hindi ako against dun pero dito sa bahay namin, yun yung unang regulasyon namin na tumulong sa iba.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
Happy ako sa mga bata kasi ako hindi naman talaga ako mayaman o anak ng mayamang-mayaman talaga. Kaya nga ako naging bread winner ng pamilya ko sa probinsya [in Agusan del Norte] kasi kailangan ko tumulong para umayos yung buhay namin.
Swerte lang ako kasi maganda yung buhay ng asawa ko. Di ba sinabi ko nga sa iyo kanina na alam mo naman mga lolo’t lola, yun yung mga spoiler sa mga apo kasi right naman nila yon i-enjoy dahil ang responsibility ng pagpapalaki nasa magulang na yan. But nung nakikita ko yun noon, sabi ko sa husband ko, paano later on kung hindi natin kayanin ibigay yung binibigay nila sa mga anak natin? Baka magalit naman sila sa atin.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
Then there was a time na itong si Ria, dahil masyado silang exposed dun sa magandang buhay ng mga kapatid niya, dumating sa point na nagtanong sa akin minsan habang namamasyal kami sa Picnic Grove at may nakita siyang mga batang lumalapit at nanglilimos sa amin, “Mommy, why are they poor?” She was only seven years old at that time and it was such an honest and innocent question because they didn’t really know na may ibang buhay doon sa meron sila.
Hindi ko muna in-explain mabuti nung araw na yun kay Ria yung sagot but then and there, nag-decide ako na dalhin sila sa Mindanao kung saan ako nanggaling. Kasi nung bata kami, tumatakbo kami sa mga maisan, sa mga tubuhan. Naglalaro kami dun walang mga tsinelas. Alam mo yung mga ganun? Mga batang kanto talaga. Sabi ko, kailangan ko siyang i-expose sa ganitong klaseng mundo.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
So dinala ko sila ni Arjo dun. Arjo was nine years old naman that time when Ria was seven. Tapos nagulat sila. “Bakit may ganito? Bakit OK yung buhay namin pero dito halos walang pambili ng pagkain?” Ang daming nilang questions and that was when I told them the reality that not everyone is as lucky as they are so they need to share their blessings. So every year since then, pumupunta sila doon ng Christmas or summer to share what they have. At tuloy-tuloy yun hanggang sa youngest namin ngayon na nine years old din.
How do you get to do all these — teach your children the proper values, keep them grounded, make sure they’re fed well — when we all know you’ve always been a working and a very busy woman?
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
Time management lang talaga. Monday, Wednesday, Friday taping ko. Tapos Tuesday, Thursday, Saturday nandito ako sa kanila. Tapos sinasabi ko lang sa mga anak ko kahit magka-asawa kayo, kahit magka-apo ako sa inyo, kailangan every Sunday sa akin ang lunch or dinner. Kasi nakita ko yun sa pamilya ng asawa ko. Wala kaming ganun sa pamilya namin ha. Hindi uso sa amin yun. Pero sa mga Atayde, mga negosyante na busy silang lahat, but every Sunday, together silang lahat kasama ang mga anak. Sabi ko, magandang gawin ito sa mga ka-apo-apohan ko. So ginawa ko rin sa mga anak ko. So every Sunday Arjo, Ria and the rest of my kids, lunch and dinner. After that, bahala kayo basta nandito tayo for our meals together.
You certainly seem to be thriving as mom to your children, raising them well and guiding them as best you can. On TV, you’ve become the favorite pick for important mother roles in family-centered programs. Who do you credit for how you’ve turned out in this real-life role that also translates into the roles you’ve had as an actress.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
Syempre yung nanay ko. Teacher yung nanay ko [by profession].
Alam niyo sinasabi ko nga minsan, tuloy tuloy yung blessings ko, sa mga anak ko, sa pamily namin — non-stop. Tapos sabi ko sa Diyos, “Minsan hindi ko na deserve pero binibigay mo pa rin.” Kasi alam ko hindi ako perfect; hindi ako mabait all the time. Meron din akong kalokohan, maldita din ako. Pero bakit ganun yung binibigay sa akin? So iniisip ko ano kaya yung rason? And ang naging reason sa akin na nakikita ko, siguro dahil, modesty aside, mabait ako sa nanay ko. Hindi din ako perfect daughter pero masasabi ko I’m one of the best na anak. Yung nanay ko, hanggang ngayon sa akin siya. Hindi man ako pinamanahan ng nanay ko ng material things, kasi mahirap kami eh, pero nagpapasalamat ako kasi meron siyang mas higit pa sa material na pinamana sa akin, which is yung puso niya. Kasi yung kabutihan niya, nabigay niya sa ‘kin. Yung mga ginagawa niyang tama na sa tingin niya ay tutulong sa kapwa, binigay niya sa ‘kin, pinamana niya sa ‘kin.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
Tapos yung pagiging walang kayabangan kasi sabi ng nanay ko pag pine-praise ka, say thank you. Namnamin mo yun, enjoy-in mo yun, but wag mo ilagay sa puso’t isip mo totally, kasi yun yung ikakayabang mo.
So yun, yung pagiging matulungin at yung pagiging-humble, yun yung pinamana ko rin sa mga anak ko. At sabi ko sa naman sa mga anak ko, ipamana niyo din yan sa mga anak niyo.
Isn’t it hard to talk about values and more so pass on these on to your children who are part of the millennial generation?
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
Nararanasan mo na ba bilang nanay ung pag nakiki pag-usap ka sa kanila umiikot yung mata nila? (Laughs). Kasi si Ria sa school nila, common na yun, yun mga “duh!” (rolls eyes), yung mga ganun. So sabi ko sa kanya, “Isa pa tutusukin ko yung mata mo! Ginaganon ko sila and nagpapasalamat ako na kahit anong gawin kong pangaral sa mga anak ko nakikinig sila. At sa tingin ko, kung hindi sila mabuting tao, hindi yun papasok sa kanila.
Besides your mom, who else do you credit for the woman you’ve become? Another mother who molded you and guided you?
Ang isa pang nanay talaga sa akin is yung manager ko na umalis na, pumanaw, si Tita Angge. Ay grabe yun. Grabe yun magmura pero pag hindi ka daw minura nun, hindi ka daw niya mahal. Pero yun yung front lang niya eh.
Nanay ko yun na napaka-lambot ng puso, napaka-bait na tao kahit nasosobrahan na, at na-ta-take advantage na.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
And si Tita Angge din ang nag-turo sa akin kung paano mag-manage ng kita ko. Sasabihin niya sa akin, “O, may pera na tayo, sige ipasok natin sa ganitong negosyo at lakasan lang ng loob.” Nakuha ko rin sa kanya yun, and I’m grateful na natutunan ko yun sa kanya kasi ang artista hindi naman for life sikat ka eh. Hindi forever na nandiyan ka na ikaw yung queen. Pag nasa peak mo na ikaw, may time talaga na bababa ka at merong papalit sa iyo. Ngayon, anong gagawin mo pag nangyari yun at hindi mo pinaghandaan ang future mo?
And after Tita Angge, may isa pang naging nanay sa buhay ko at siya yung isang tao na after 27 years sa pag-aartista ko, siya yung tuloy-tuloy na naniwala sa akin at from doing sexy roles, tapos kontrabida roles, I became the dramatic actress the industry and the public considers me to be today.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
Kaibigan ko na siya nung Production Assistant pa lang siya sa ABS-CBN hanggang naging Executive Producer na siya ngayon at mataas na yung pwesto — si Ms. Ginny Monteagudo-Ocampo. Siya yung kaibigan ko na siguro nakakita rin ang puso ko, ng pagiging nanay ko. Pinagkatiwalaan niya ko ng role dun sa “Mundo Man ay Magunaw” as kontrabidang nanay, tapos sa “Be Careful with my Heart,” tapos sa “Ningning,” ginawa niya kong lola.
Then nung pang fourth show namin sabi niya, “Time mo na. May something.” Sabi ko, “Bakit?” Sabi niya, “May puso ka bilang nanay. Iba ka.”
Sabi ko pa sa kanya nun, “Ms. Ginny, wala akong fan ha. Hindi ko kaya maging lead sa programa.” Pero sabi niya, “Magaling kang umarte. Marunong kang umarte at maganda yung piyesa natin. Yun yung “The Greatest Love,” so merong binigay sakin ang Diyos na anghel sa pagkatao ni Ms. Ginny Ocampo na pinagkatiwala sa akin yung proyekto na iniba ang takbo ng career ko.
Ibang klase ang ugali ng taong yan, saludo ako sa kanya at thankful ako kasi minsan talaga hindi mo alam kung sino yung lalaban para sa iyo; sino yung ibibigay ng Diyos para sa iyo. Nakita ko kung pano rin niya ginapang yun. Nung nakita niya sa akin yung talent ko at sinabi niya, “Hindi ko ito bibigay sa ‘yo dahil kaibigan kita. Kasi kahit kaibigan kita pero hindi ka marunong, ako yung mapapahiya. Pero ito, para sa ‘yo ‘ito; puputok ito.
Dinasal ko din yun eh. Sabi ko, “Lord, ibigay mo na after 27 years ko sa career na ito, kakapalan ko yung mukha ko, akin na yung Greatest Love kung talagang ito na yon.”
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
After the Greatest Love, you did “Hanggang Saan,” again a mother role with your own son Arjo and it was also a hit. And now, you’re doing “Pamilya Ko,” another family drama with Joey Marquez as your husband who becomes unfaithful to you, and quite a big brood of children. Among all these famous mothers you’ve played and are playing on TV, who among them is most like you?
Itong si Luz ngayon sa Pamilya Ko. Mother siya na matapang, karaketer — eh ako yun sa totoong buhay. Siya yung nanay na saktan niyo na ako, wag lang mga anak ko. Ako yun eh, tayo yun, hindi lang ako — lahat tayong mga nanay.
Tapos lahat gagawin niya, kumakayod sa palengke, nagbebenta para sa pamilya niya. And dumating din ako sa point na yun dati, na nagbebenta ng kandila, nag tia-tiangge sa Greenhills, ginawa ko na rin yun. Pupunta ako ng taping tapos magdadala ako ng bayong-bayong na mga t-shirts at kung ano-anu and ibebenta ko sa sa mga co-actors ko. Bakit ako mahihiya eh para sa pamilya ko yun?
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
Because women look up to you as a role model for their own families, do you sometimes feel you have to put your best foot forward all the time?
Hindi ko yun iniisip kasi mape-pressure ako if I do that — yung artista ako, kailangan maganda ako, kailangan maayos palagi, hindi. Kasi ako, pag may mga tao, hindi ako magpe-pretend na kailangan batiin mo lahat sila, nakangiti ka all the time. Kasi off cam hindi naman ako artista. Like sa inyo kanina nung dumating kayo, diba yung istura ko? (Laughs). Pero hindi ako nahiya kasi ito ako eh di ba. Pag on cam ako, syempre kailangan mag ayos. Off cam later on, makikita niyo jologs na naman ako. Mas masaya yun eh kesa mag pre-pretend, magpaka-sosyal. Hindi kasi ako yun eh. Kung anong nakikita nila, yung lang ako.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
In getting to juggle a career and raise a family, what are your tips specifically to the working wives like you?
Ang swerte ko lang din sa asawa ko kasi never siya nag demand kahit kaya niya kong pa-stop mag trabaho. Puwede naman ako actually dito sitting pretty na lang, pero unang una, ayoko kasi hindi ako yun. Ako kasi breadwinner ng pamilya namin and of course, ayokong ikargo yung responsibilidad na yon sa kanya. Kasi ang pinaka-hate ko magaway tayo sa pera.
Thank God na hindi niya ko pinapa-stop kasi alam din niya na nag-e-enjoy ako. Kasi kaming mag asawa meron kaming usapan. Magtrabaho ka, mag-tra-trabaho ako. Pero make sure na from 7 to 9 p.m. wag lalagpas ng 9, magtatawagan tayo. Like ako, hindi talaga ako palatawag all day na nagche-check kung saan ka, ano ginagawa mo, kasi madami siyang meeting. Ayoko yung maya’t-maya sumasagot siya sa phone tapos sasabihin ng mga kaibigan niya na under siya. May kanchawang ganun yung lalaki.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
Eh ako strong character ko, hindi ako insecure eh, pero pag-dating ng 9 o’clock, na hindi parin tumatawag, tine-text ko na yan, “Masarap ba ang buhay ng single? Maganda ba yung katabi mo?” Yung mga ganun na lokohan, so tatawag na siya, “Nasa meeting ako!” Tapos maririnig ko nasa meeting nga. Ganun lang.
Nagaaway din kami like all other couples and we make an effort na ayusin yon. Kasi ako, sa relasyon, ito din ang natutunan ko. Alam ko later on iiwanan din ako ng mga anak ko eh, iiwan din tayo ng mga yan eh at mag kakanya-kanyang buhay. So alam ko talaga na ang maiiwan sa akin, yung asawa ko. So dapat, mas inaalagaan din natin ang mga asawa natin. Like pag punta akong grocery, iniisip ko muna kung anong gusto ng asawa ko, tapos yung sa mga bata na.
So it’s important to make a your husband feel he’s still the man of the house even if you’re also working?
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
Masarap isipin natin na equal tayo but the reality is, hindi eh. Kahit ako, ang strong ng character na tao, but once naghanap ang asawa ko na “Ano yung pagkain dito,” dapat naka-prepare yon. So ako pag may trabaho ako, meron ako dito si Yaya Cherry na siya ang naka-focus sa amin ng asawa ko. Bago ako umalis, nakahanda na yan, sasabihin ko, “‘Day, yung lunch ng sir mo ito, yung dinner ito.”
Kasi baka bukas sabihin niya, “Taping ka lang nang taping, wala ka nang panahon sa akin.” So kahit yun man lang pagising, “O, nag breakfast ka na?” Yung mga ganun I make sure na gawin ko yon.
Tapos minsan kung busy ako ng sunod-sunod, I’ll surprise him with a phone call na, “Saan ka pupunta mamayang gabi? Gusto mo bang mag-dinner tayo?” Kailangan din natin bumawi. Hindi lang sila.
It seems you have achieved what you said earlier in the interview how you always want everything to be in place — be it actual things in the house and most especially your family life. Given that they are, what else are you looking forward to as a wife and mother?
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
SS: Na makita ko isang araw ma-fulfill lahat ng anak ko yung mga pangarap nila sa buhay nila. Yung successful sila physically, emotionally, financially — lahat na. Para sa akin ang tanging hinihiling ko nalang ngayon — dati kasi nanghihingi ako eh tapos binigay naman ni Lord at sinobrahan pa — is Your will be done, bahala Ka na. Yun lang happiness, wala lang kaming sakit… At ito pa pala! Sinasabi ko sa Diyos pag nakikipag usap ako sa kanya, yung para bang kung may unang mamamatay sa pamilyang ito, ako sana yun. Hindi ko kaya yung mga anak ko at asawa ko ang mauna. Kasi lahat ng dumaan na problema sa buhay ko, lahat ng dagok, kinaya ko na eh; dinaanan ko na. So sa tingin ko, ano pa yung problemang hindi ko kayanin? Na mawala yung anak ko at yung asawa ko…. Pero Lord wag muna ngayon ha, gusto ko muna magka-apo!
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –