MANILA, Philippines — Mistulang nais umanong piringan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) si Vice President Leni Robredo sa drug campaign ng pamahalaan.
Ito ang mariing patutsada kahapon ni Albay Rep. Edcel Lagman matapos namang italagang anti-drug czar ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo.
Idiniin ni Lagman na hindi maaring piringan o pagkaitan ng mga kinakailangang impormasyon ng PDEA at PNP si Robredo sa bago nitong papel bilang anti-drug czar .
.
ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
<>
“Policy reorientation on the anti-narcotics campaign must be data and evidence-based. Vice President Robredo’s request for a copy of the list of high value targets and drug addicts is essential and not beyond comprehension,” ani Lagman.
Sinabi ni Lagman na kabilang sa data ay ang tunay na listahan ng mga napatay sa brutal na giyera kontra droga na kinakailangan para isulong ang pagbabago sa drug campaign upang mabawasan ang pagdanak ng dugo na siyang nais ng bagong anti-drug czar.
“Without these empirical data, the Vice President will be galloping blindly on a redirected anti-drugs drive,” ang sabi pa nito.
.
ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
<>
All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet..aseanews.net