EDITORYAL OPINYON AT CARTOONS- Pagpapababa ng presyo ng mga gamot, apurahin

MAY proposal ang isang grupo ng pharmaceutical company sa Department of Health (DOH) na hayaan na lamang silang magbawas ng presyo ng gamot sapagkat hindi nila kontrolado ang halaga ng mga gamot laban sa diabetes, hypertension at cancer. Sumusunod naman umano sila sa nais ng DOH kaya sana naman, hayaan silang magpasya sa gusto nilang ibawas sa presyo ng mga gamot.

Pero naninindigan ang DOH na dapat ay 50% ang dapat ibawas sa mga gamot laban sa mga nabanggit na sakit. Sabi ni DOH Sec. Francisco Duque III, gusto niyang maipasunod ang 50% discount para tiyak na mabebenepisyuhan ang mga mahihirap na maysakit. Ang layunin ng DOH kaya ipinupursigi ang 50 percent discount ay para makinabang ang lahat nang nangangailangan.

Ayon pa sa DOH secretary ang pagpapababa ng mga gamot ang isa sa mga gustong mangyari ni President Duterte sa susunod na taon. Naka-ayon ang pagpapababa sa mga gamot sa Universal Health Care Law, ganundin sa ilalim ng maximum drug retail scheme na nakapaloob sa Republic Act 9502 (Universal Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008). Nasa 120 na mga gamot ang ire­rekomenda ng DOH para mabawasan ng presyo.

ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –

<>

Kung masusunod ang gusto ng DOH, marami ang makikinabang lalung-lalo na ang senior citizens. Noong nakaraang taon, tinapyasan ng gobyerno ang presyo ng mga gamot para sa hypertension at malaki ang naitulong sa mamamayan. Isa ang hyper­tension sa mga sakit ng mga Pilipino na dahilan ng stroke at atake sa puso.

Ayon sa report, ang Pilipinas ang tanging bansa sa Asia na mahal ang gamot. Mas mahal pa raw ang gamot dito kaysa sa mga mayayamang bansa. Ang generic drugs ay binibenta umano ng apat na beses na mas mataas at ang branded ay ibinibenta ng 22 beses na mas mataas sa mga pribadong ospital.

ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –

<>

Apurahin ng DOH ang pagpapababa ng gamot para matulungan ang mga kapuspalad na mamamayan na walang kakayahang bumili. Sana’y agaran ding umaksiyon si President Duterte at mag-isyu ng Executive Order para mabilis na maipatupad ang pagpapababa sa mga gamot.

ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –

<>

 

ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –

<>

<>

Manila Standard:  A message for the youth

 

.

ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –

MANILA TIMES:  SEA GAMES “CAULDRON”

<>

ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –

P.D.INQUIRER: Save farming and our farmers

<>

ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –

<>

PHILSTAR: Toilets for all

<>

ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –

 

PILIPINO STAR NGAYON: Save farming and our farmers

.

 

THE EDITOR

 

All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet ..aseanews.net | [email protected]

 

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page