LOS ANGELES US: Simon Cowell, superfans, namangha Marcelito Pomoy pasok sa semifinals ng America’s Got Talent
Simon Cowell and Marcelito Pomoy
.
MANILA, Philippines — Sobrang napabilib ni Marcelito Pomoy ang mga judge and fans ng America’s Got Talent: The Champions.
Lahat talaga papuri ang natanggap nang kantahin niya ang The Prayer gamit ang boses ng babae at lalaki na nagpanalo rin sa kanya sa Pilipinas Got Talent noong 2011.
“That was so unique, you are a beautiful, wonderful singer with a young woman trap inside of you,” sabi ng judge na si Howie Mandel.
.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
Maging ang judges na sina Alesha Dixon and Heidi Klum ay talagang napatayo at namangha.
“That was what I call a 10, a simple as that. I have a feeling that the super fans will put you through to the next round,” sabi naman ng judge na si Simon Cowell.
.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
Pasok na siya sa semifinals ng talent contest sa Amerika na hindi niya raw talaga inasahan matapos makatanggap si Marcelito ng pinaka-maraming votes sa superfans ng programa sa 50 states of the United States. “Ngiting tagumpay… Sa totoo lang po hindi ko inakalang makakapasok pa ako sa semi-finals… lumipad kami papuntang US na ang dala ay pang limang araw na damit lang.. maraming salamat sa AGT Wardrobe na nagprovide ng outfit ko.. may plane ticket na din kami pauwi kinabukasan ng audition kaya sa isip ko siguro sign yon na hanggang audition lang ako.. Maraming salamat sa aking may bahay na nagpalakas ng loob ko.. siya ang nagpilit sakin na lumaban dahil natatakot po talaga ako kasi nga hindi ko kayang mag-english at hindi ko alam kung magugustuhan nila ang talento ko… ang sabi ng asawa ko wag lang daw akong magkamali at kumanta lang ako ng maayos dahil ang nakakatakot daw ay makatanggap ako ng X.. isa pa po nicut nila ung kanta into 2 minutes kaya medyo nahirapan akong mag adjust at nasanay akong kantahin ng buo ung the Prayer.. pagkatapos daw ay uuwi na kami.. mahalaga daw ay nakatuntong ako sa stage ng AGT at sa hindi pangkaraniwang laban lang bagkus sa napakabigat na laban dahil Champions Edition eto.. masaya na daw siyang makitang natupad ko ang pangarap ko na makapagperform sa international stage (credit sa asawa kong napakaganda at ang nilabanan ang takot sa stage para lang suportahan ako haha)pero talaga ngang napakabuti ng Panginoon na hindi lang ako binigyan ng pagkakataon makapagperform sa international stage ng isang beses kundi may pangalawang beses pa.. ipagdasal po nating lahat na makayanan ko pa ang sunod na laban ang semi-finals.. Maraming maraming salamat po… ,” ang pagkukuwento ni Marcelito sa kanyang journey bago nalampasan ang unang round sa AGT.
–THIS SPACE BELOW IS RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –