EDITORYAL – Marami pang workers ang hindi nakatatanggap ng subsidy

THE EDITOR

Mahigit 1 buwan na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon at tatagal pa hanggang Abril 30 dahil ini-extend pa ito. Ang masyadong tinamaan ng lockdown ay ang mga manggagawa na walang ibang pagkukunan kundi ang kanilang suweldo ganundin ang mga maliliit na negosyo na kailangang magsara. Mas naging kawawa ang mga manggagawang arawan dahil “no work, no pay” sila. At sa nakalipas na isang buwan na walang kayod, hindi na malaman ng mga manggagawang ito kung saan kukunin ang gagastusin.

 

Ads by: Memento Maxima Digital Marketing@ [email protected]– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT

 

.

Nakapagtataka rin naman na hanggang ngayon, isang buwan na ang lockdown, ang sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na P5,000 financial aid o subsidy para sa mga nawalan ng trabaho ay hindi pa natatanggap. Sinabi ng DOLE na lahat ng mga manggagawang naapektuhan ng pagsasara ng establisimento ay makatatanggap ng financial aid sa ilalim ng kanilang tinawag na COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP). Tatanggap umano ng one-time financial assistance ang workers. Nakasaad ito sa Department Order 209 na nilagdaan noong Marso 17, 2020.

 

Ads by: Memento Maxima Digital Marketing@ [email protected]– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT

 

.

Ayon sa direktiba, ang employers ang mag-aaplay para sa kanilang workers. Kailangan ding may establishment report kung paano naapektuhan ng pandemic ang negosyo. Kailangang may documentary requirements at isa-submit ito sa DOLE’s online application system. Susuriin umano ito ng labor officials at makakatanggap ang aplikante ng notice of approval o notice of denial sa loob ng 3 araw. Maaari raw ma-denied ang aplikasyon kapag may nakitang pandaraya sa documents.

 .

Ads by: Memento Maxima Digital Marketing@ [email protected]– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT

 

.

.

Pero maraming workers ang nagsabing wala pa silang natatanggap na financial aid mula sa kanilang employers. Lagi raw nilang tsinitsek sa ATM pero walang pera. Nasaan na raw ang sinasabing tulong.

Sabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III, marami na silang naproseso at naabrubahang aplikasyon mula sa employers. Umabot na raw sa 435,000 ang naaprubahan at ang nabigyan na ng subsidy o aid ay 228,000 workers. Ayon kay Bello, posibleng maging P8,000 ang ibibigay sa mga wor-kers na naapektuhan ng lockdown.

Nararapat siyasatin ng DOLE ang sinasabing marami pang workers ang hindi nabibigyan ng tulong. Kung maaari, ilabas ang listahan ng mga pinagkalooban ng subsidy para malinaw ang lahat.

 .
All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet ..aseanews.net | [email protected] For comments, Email to :D’Equalizer | [email protected]
.
.
TRIVIA: ASEAN
10 States ― Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand, and Vietnam
It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page