TAKE IT TAKE IT – Lolit Solis:  Restrictions sa mga senior citizen, kailangang ayusin!

Ayon pa kay Año, plano nilang paglaanan ng special lane ang mga matatanda para maging mabilis ang kanilang mga transaksiyon at kaagad ring makauwi. STAR/Miguel De Guzman, file
.
.
          TAKE IT TAKE IT
– Lolit Solis
.

Hanggang ngayon, malaking puzzle sa akin iyong hindi puwedeng lumabas ang mga senior citizen Salve ha. Eh paano iyon mga senior na officials natin? Saka si Papa Digong Duterte, hanggang Malacañang na lang ba siya? Paano iyon top executives na 60 and above, talagang bahay na lang?

Paano mo sasabihing hindi puwedeng lumabas iyon 60 and above pag nakita mo sa news na nasa labas ang mga top official?

Hindi kaya puwede i-clear ang issue na ito? Iyon seniors na walang dapat gawin sa labas ng bahay, mag-stay home lang, pero iyon mga senior na may trabaho ay dapat magtrabaho with cautions, ingatan mabuti ang sarili. Responsibility mo ang katawan mo, ikaw lang ang puwedeng mag-alaga nito, kaya puwedeng mag-ingat. Maganda iyong gusto ng gobyerno, ingatan ang senior citizens, pero how about those working senior citizens, hindi na sila magta-trabaho? Ibibigay ba ng gobyerno iyon suweldo nila, iyon kinikita nila? Dapat clear ang plano dito dapat iyon talagang makikinabang ang marami, healthwise and financial. Please.

 

 

 Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT.
.
.

Pasahero sa jeep‘di na puwede ang siksikan

Siguro ang mauuso ngayon ay iyong bawas tao sa opisina. Magkakaroon siguro ng evaluation kung ano ang redundant na job dahil naging ok na rin iyong skeletal working force.

Baka marami ang mag-lay off ng tao sa office dahil nga puwede na ang rotation para konti lang ang tao sa isang lugar.

Ang tiyak na affected ng social distancing ay ang transportation, baka tumaas ang pamasahe sa lahat ng may kinalaman sa transportation, pati sa airplanes at barko.

Kawawa ang mga jeep, dahil kailangan magbawas ng pasahero. Bongga talaga si coronavirus, sobra niya ginulo ang lahat.

 

 

 Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT.
.
.

Marian at Dingdong, happy family sa lockdown

Isa ako sa tuwang-tuwa sa long vacation ang Dantes family. Imagine, halos two months nang kina Zia at Ziggy ang nakasentro ng atensiyon nina Dingdong at Marian Dantes.

Bongga ang bonding time nila sa paglalaro at katuwaan habang nakikita ang progress ng paglaki ni Ziggy sa loob ng dalawang buwan. Ang cute siguro na walang hinahabol na oras ang mag-asawang Dingdong at Marian at tuwang-tuwa ang dalawang bata na paggising at pagtulog, kasama ang mommy at daddy nila.

Happy lockdown family ang mga Dantes. Happy kids sina Zia at Ziggy. Wow na wow, bonggang-bongga.

.

THE EDITOR

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page