COVID-19: Philippines recorded 10,004 cases and 658 deaths.

Sumasailalim ang babaeng ito sa COVID-19 testing sa isang “swabbing booth” sa Rosario Maclang Bautista General Hospital noong ika-21 ng Abril, 2020.

..

DOH: Lampas 10,000 na ang COVID-19 cases sa Pilipinas

‘The 2019 Plague” Day 160’

facebook sharing button
Medico

MANILA, Philippines — Tuluyan pang bumulusok paitaas ang bilang ng mga coronavirus disease (COVID-19) cases ngayong Miyerkules, ayon sa pinakabagong tala ng Department of Health.

Sa datos ng DOH, kasalukuyang nasa 10,004 na ang tinatamaan ng virus sa Pilipinas simula nang makapasok sa bansa ang virus.

 

 

 Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT.
.

.

‘Yan ay matapos madagdagan ng 320 panibagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa mula sa mga sumusunod na lugar:

  • National Capital Region (179)
  • Region 7 (98)
  • iba pang lugar (43)

 

 

 Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT.
.

.

Umigi naman ang lagay ng 98 pang COVID-19 cases sa bansa, dahilan para umabot na ito sa 1,506 recoveries.

Higit na marami pa rin ‘yan kumpara sa 658 namamatay sa COVID-19, sa pagkasawi ng karagdagang 21 katao kaugnay ng virus.

.

 

 

 Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT.
.

.

 

 

 

 Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT.
.

.

Siyam na araw na lang ang nalalabi bago mapaso ang idineklarang enhanced community quarantine (ECQ) sa iba’t ibang bahagi ng bansa, na ibinaba para na rin mapigilan ang lalong pagkalat ng sakit sa Pilipinas.

Suspendido pa rin ang lahat ng mga pampublikong transportasyon, pisikal na klase at ilang trabaho dahil sa naturang lockdown.

Linggo nang sabihin ng Department of Transportation (DOTr) na babalik na ang serbisyo ng LRT-1, LRT-2, MRT-3 at Philippine National Railways oras na bawiin ang ECQ sa ika-16 ng Mayo, ngunit sa kondisyong magiging limitado ang kanilang isasakay.

Umabot na sa 3.5 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa pinakahuling ulat ng World Health Organization. Sa bilang na ‘yan, 243,401 na ang namamatay.

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

 

 

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page