ABS-CBN Franchise: Regine Velasquez- “Bakit pinagtatawanan mo ang paghihinagpis namin?”

.

.

Regine Velasquez slams critics of ABS-CBN:Bernie V. Franco

“Bakit pinagtatawanan mo ang paghihinagpis namin??”Parte ito ng mahabang post ni Regine Velasquez, 50, bilang buwelta sa mga taong ikinatuwa ang pagsasara ng ABS-CBN.

Nag-sign off ang Kapamilya network nitong May 5, 2020, Martes, kasunod ng cease-and-desist order mula sa National Telecommunications Commission (NTC).

.

.

Ads by: Memento Maxima Digital Marketing
[email protected]

SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT

.
Nag-expire ang legislative franchise ng network noong May 4, , at nabigong makakuha ng provisional o temporary franchise mula sa NTC.

Sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes ng umaga, May 7, walang partikular na pinatutukuyan si Regine.

Pero malinaw na patama ito sa mga taong ipinagbubunyi ang pamamaalam sa himpapawid ng kanyang home network.

Si Regine ay lumipat sa ABS-CBN noong October 2018, pagkatapos ng 20 taon sa GMA-7.

.

.

© Provided by PEP.ph regine velasquez white PHOTO: @reginevalcasid

.

.

Ads by: Memento Maxima Digital Marketing
[email protected]

SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT

REGINE LAMBASTS CRITICS

Katuwiran ng Asia’s Songbird, higit pa sa trabaho ang nawala sa kanila.

Pangongonsensiya niya sa mga kritiko (published as is):

“Bakit ka nagbubunyi na maraming mawawalan ng trabaho??? Bakit pinagtatawanan mo ang paghihinagpis namin??

“Sayo trabaho lang to sa amin kabuhayan to. Maraming pangarap na hindi matutupad dahil dito.”

Tinatayang 11,000 manggagawa ng ABS-CBN ang mawawalan ng trabaho dahil sa nangyaring pagsasara.

Patuloy niya, “Pero ang saya saya mong pinagdiriwang ang pagdadalamhati namin.

“Ano na ba ang nangyari sayo?? Hindi mo na ba alam kung pano makiramay??”

Ayon pa kay Regine, manahimik na lamang ang mga kritiko kung wala rin lang magandang sasabihin tungkol sa pinagdadaanan ng mga nagtatrabaho sa ABS-CBN.

“Oo may opinyon ka tungkol dito may mga hindi ka gusto sa palakad dito bagamat hindi ka naman naging parti ng pamilyang ito at hindi mo naman alam ang totoo.

“Pwede naman sigurong manahimik muna diba??

“Kabawasan ba sa pagkatao mo kung maki simpatya ka??”

Naniniwala si Regine makakabangon pa rin sila sa kabila ng kinakaharap na problema.

“Sa totoo lang ang pagkawala namin sa ere pwede pang hanapan ng sulusyon.

“Ang mga mawawalan ng trabaho pweding humanap ng ibang pagkakakitaan mahirap pero kaya naman.

“Pero Ikaw na hindi na marunong makiramay, ikaw na hindi na alam kung pano pa maging mabuting tao,ikaw na napuno nalamang ng puot,ikaw na nalimutan nang MAGPAKATAO…….”

Nagbitaw rin siya ng salita na makakabalik sila sa himpapawid.

“Pagkatapos ng mga pagsubok na ito mag babalik kami na mas maningning.”

Panghuling mensahe ni Regine sa mga kritiko: “Pero ikaw hangang dyan ka na lang.

“Sa katulad mong walang awa,sa katulad mo na ikinatutuwa ang paghihirap ng iba WALA KA NANG PAGASA!!!

“Naaawa ako sayo dahil pinili mong manatili sa mondo mong maliit pinili mong mag pakain sa sistema.

“Gayun paman ipagdatasal parin kita na sana mahanap mong muli ang iyong puso. God bless Po”

.

.

Ads by: Memento Maxima Digital Marketing
[email protected]

SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT

.

.

Ads by: Memento Maxima Digital Marketing
[email protected]

SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT

Nakasaad sa cease-and-desist order na may sampung araw ang ABS-CBN, mula nang ilabas ang order, para magpaliwanag kung bakit hindi dapat bawiin ang nakatalaga nitong frequency.

Inaantabayanan ng publiko kung ano ang sasapitin ng ABS-CBN, kasunod ng panawagan ng maraming matataas na opisyal at iba’t ibang sektor—pribado at gobyerno—na nag-uudyok sa Kongreso na mabigyan ng provisional license ang network na mag-operate.

Ito ay habang hindi pa rin nari-renew ang franchise ng network.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page