Kaligtasan ni Duterte tiniyak ng PSG – DU30 Wanted for P100 Million?
Batid anya ng PSG na ginagamit ang digital media ng mga security threat groups laban sa Pangulo at sa gobyerno.
.
POINT OF VIEW:
By “Joe” Gibana
[NEWS]
Kaligtasan ni Duterte tiniyak ng PSG
MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Presidential Security Group (PSG) ang kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng ilang banta sa social media lalo na sa Facebook.
Sa pahayag na inilabas ng PSG, hindi lamang proteksiyong pisikal ang ibinibigay nila sa Pangulo kundi maging ang mga nagmumula sa cyber environment.
Batid anya ng PSG na ginagamit ang digital media ng mga security threat groups laban sa Pangulo at sa gobyerno.
Matatandaang dalawa katao na ang inaresto matapos mag-post sa FB na magbibigay ng P50-M at P100-M sa sinumang makakapatay kay Duterte.
Siniguro ng PSG na hindi nila babalewalain ang ganitong mga banta sa Pangulo at sa kanyang pamilya at pananagutin sa batas ang mga nagkasala. / Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon
.
For comments, Email to :
Jose “Joe” Gibana / [email protected]
SIGN UP TO RECEIVE OUR EMAIL
The most important news of the day about the ASEAN Countries and the world in one email: [email protected]