Air Jordan 1 sneakers skeds auction record (News in Pilipino)

.MICHAEL JORDAN

 

Air Jordan 1 sneakers maaaring gumawa ng auction record

.

.

NEW YORK — Ang matagumpay na pagpapalabas sa documentaryong “The Last Dance” sa gitna ng coronavirus lockdown ang nagpalakas sa bentahan ng mga collectibles na may relasyon kay NBA icon Michael Jordan.

“Timing is everything,” wika ni Jordan Geller, isang kolektor na maaaring kumita ng $240,000 dahil sa pagkakabili ng isang pares ng Air Jordan 1 sneakers sa Sotheby’s.

Ang nasabing sapatos ang unang modelong ginawa ng Nike para kay Jordan na ginawa ang kanyang NBA debut noong 1984.

Ads by: Memento MaximaDigital
Marketing @ [email protected]
SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT
.

Ang nasabing nagamit nang sapatos ni Jordan ay maaaring gumawa ng auction record para sa sneakers na itinala ng Nike’s Moon Shoe na nabili ng $437,500.

Popular ang iba’t ibang Air Jordans sa mga kolektor sa nakaraang 30 taon kasama ang mga jerseys at trading cards na nagtatampok kay Jordan, may anim na NBA titles para sa Chicago Bulls at ikinukunsiderang greatest player sa league history.

Ads by: Memento MaximaDigital
Marketing @ [email protected]
SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT
.

 

.

Maraming espesyalista ang nagsasabing si Jordan ang naging susi sa pagkakaroon ng merkado para sa mga collectible sneakers.

Ngunit ang 10-part documentary “The Last Dance” ng ESPN na nagdetalye sa career ni Jordan at ang paggiya sa Bulls sa anim na NBA title ang lalo pang nagbuhos ng interes kay Jordan.

SIGN UP TO RECEIVE OUR EMAIL
The most important news of the day about the ASEAN Countries and the world in one email:  [email protected]

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page