EDITORYAL – Stranded OFWs sa ME asikasuhin
Maraming seafarers at overseas Pinoy workers na naka-quarantined ang inip na inip na dahil hindi pa lumalabas ang resulta ng kanilang COVID test. Ang iba sa kanila ay tumakas na dahil sa sobrang pagkabagot. Mahigit dalawang buwan na ang karamihan sa kanila pero wala pa ring resulta ang test. Ang mga seafarer naman na hindi pinayagang makababa sa cruise ship habang palutang-lutang sa Manila Bay ay dumaranas na ng depression. Naghihintay din sila ng resulta ng COVID test.
Memento Maxima Digital Mktg.@ [email protected]
RESERVE ADVERTISEMENT
Pero mas matindi ang pinagdadaanan ng mga OFWs sa Middle East sapagkat karamihan sa kanila ay halos wala nang panggastos sapagkat naubos na sa loob ng dalawang buwan na pagka-stranded sa bansang pinagtatrabahuhan.
Karamihan sa kanila ay mga end of contract na at nakatakda nang umuwi noong Marso pero inabot ng lockdown. Itinigil ang pagbiyahe ng mga eroplano kaya wala silang magawa kundi maghintay ng flight.
Mas marami ang stranded sa United Arab Emirates (UAE) na ang ilan ay dumaranas na ng kawalang-pag-asa. Sa isang report, may OFW na umiiyak sapagkat pinutulan na siya ng ilaw sa tinutuluyang bahay. Napakahirap ng sitwasyon. Naubos na umano ang kanyang ipon at hindi niya alam kung saan kukuha ng panggastos.
Matindi rin ang pinagdadaanan ng isang OFW na limang buwang buntis.
Wala na siyang trabaho kaya wala nang kinikita. Kailangan na niyang umuwi sapagkat mahirap abutan nang panganganak.
Ang ibang stranded na OFW, pinaaalis na sa kanilang tinitirahan sapagkat overstay na sila. Kailangan nilang magbayad ng multa kapag overstay pero saan sila kukuha. Wala na rin silang makain at maski ang tubig ay sa mosque na umano nila iniigib. Hindi na raw nila alam ang gagawin. Hiling nila na tulungan sila ng gobyerno para makaalis na. Magkaroon na raw sana ng flight patungong Manila.
May mga stranded OFWs din sa Saudi Arabia at Oman na humihiling na tulungan silang makauwi sapagkat ubos na ang kanilang pera. Napakahirap daw ng kanilang kalagayan.
Memento Maxima Digital Mktg.@ [email protected]
RESERVE ADVERTISEMENT
Ang pagkilos ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA) ang nararapat sa napakahirap na sitwasyong ito. Tulungan ang mga stranded OFWs na makauwi. Asikasuhin sila ng Labor Attache roon.
.
SIGN UP TO RECEIVE OUR EMAILThe most important news of the day about the ASEAN Countries and the world in one email: [email protected]