Coco Martin malaki bayag. tanging defender ng mga ‘Artista’ laban sa mga pangit.
Coco Martin laugh at SolGen Calida.
.
Coco napahamak sa maling atake(?)
Hindi nasentro sa prangkisa lang ang pagpapalitan ng pahayag ng magkabilang panig dahil sa inilatag na komento ni Solicitor General Jose Calida ay may malaking partisipasyon ang matatapang na pahayag nu’n ni Coco Martin.
Sa lahat ng mga personalidad na nagsalita-dumepensa-nakipaglaban sa pagpapasarado sa network ay sumentro ang SolGen sa action star.
Isinubo pabalik ng SolGen kay Coco ang matapang niyang pahayag nu’n na “Kapag ang pamilya ko ang kinanti, lalaban ako nang patayan, kahit patayin mo pa ako!”
Isinama rin nito ang naging komento ni Coco tungkol sa kanya at sa iba pang mga taong sa akala ng action star ay may “kamay” sa pagpapasarado sa ABS-CBN. “Matagal n’yo nang tinatarantado ang mga Pilipino.”
Iba-ibang reaksiyon ang ibinunga ng “pagpatol” ni SolGen Calida kay Coco Martin. May mga nagtanggol kay Coco pero mas marami ang nagparating ng leksiyon sa action star.
Sabi ng isang nakausap namin, “’Yun ang napala ni Coco sa matapang niyang pakikipaglaban! Kasi naman, nagpapatalo siya sa emosyon niya, hindi muna niya alamin ang mga totoong issue na pinagtatalunan!
“Hindi masamang makipaglaban, natural, ABS-CBN ang balon na pinagkukunan niya ng mga biyaya, kaya apektado siya sa pagpapasara sa istasyon!
“Pero maling-mali ang atake ni Coco, masyado siyang namemersonal! Ayan tuloy ang balik sa kanya!” sabi nito.
Isang abogado naman naming kaibigan ang nagkomento, “Bakit hindi niya gayahin ang CEO ng ABS-CBN na si Mr. Carlo Katigbak? Napakasuwabe niyang magsalita!
“Kahit pa direktang depensa ang mga sinasabi niya tungkol sa ABS-CBN, maiintindihan mo siya dahil magaling siyang magsalita. Malinaw, makabuluhan, ihinihiwalay niya ang emotion niya sa pagpapaliwanag kung bakit hindi dapat ipinasarado ng NTC ang station!
“Sa ganitong labanan, facts ang pinakamahalaga. Hindi galit, hindi emosyon, hindi paghihiganti, hindi paninisi ng kung sinu-sino!” madiing komento ng tumawag sa amin.
Kapamilya stars hindi na naman makatulog ng mahimbing
May mga nagbigay naman ng komento na dapat ay sumentro na lang si SolGen Calida sa mga legal na isyu at hindi na nito idinamay pa si Coco Martin.
Sabi ni Liza, ang kaibigan naming tumututok sa Ang Probinsyano ni Coco, “Ano ang masama kung nagsalita man si Coco? Nasa democracy tayo, di ba? Alangan namang sila lang sa gobyerno ang puwedeng magsalita at ang ibang tao, e, wala nang karapatan?
“Siyempre, pinangangalagaan lang naman ni Coco ang kabuhayan niya. Ganu’n din naman ang point ng ibang mga stars ng ABS-CBN, ang magbukas uli ang network para magkaroon na sila ng trabaho.
“Masama ba ‘yun? Kailan pa naging mali ang pagtatanggol at pagtanaw ng utang na loob sa mga nakatutulong sa atin?” madiing pahayag ng aming kaibigan.
Ang tao kasi ay reaksiyonaryo lang naman, kung ano ang aksiyon, ‘yun din ang ating reaksiyon.
Kailangang matuto si Coco Martin sa senaryong ito. Hindi natin puwedeng sabihing mali ang ginawa niyang pakikipaglaban, ‘yun ang dikta ng kanyang puso, nasa kaitaasan ang kanyang emosyon nu’ng mga panahong nagpakawala siya nang matutulis na pahayag.
Pero sa buhay na ito ay hindi puwedeng putok lang tayo ng putok nang walang direksiyon, sayang ang mga bala, dahil hindi naman pala natin nasasapul ang tunay na kalaban.
Maraming paraan para maitawid natin ang mga puntong makabuluhan sa paraang nandu’n pa rin ang respeto at wala tayong pinepersonal.
Nagawa ‘yun ni Liza Soberano, naihain ng magandang aktres ang kanyang pakikisimpatya sa ABS-CBN sa matalinong paraan, binigyan nito ng importansiya ang paglalaban ng magkabilang panig tungkol sa prangkisa.
Ang nabubuhay na sanang pag-asa ng mga empleyado at artista ng ABS-CBN ay umaandap-andap na naman. Pinanghihinaan na naman sila ng loob.
Hindi na naman sila makatulog nang mahimbing dahil sa agam-agam na tuluyan na ngang magsasarado ang kanilang network.
Kasi ba naman, handugan ba sila ni SolGen Calida ng klasikong piyesa ni Frank Sinatra, “And now, the end is near….”
SIGN UP TO RECEIVE OUR EMAIL
.
The most important news of the day about the ASEAN Countries and the world in one email: [email protected]