DU30’S EJK: Solon sa IATF: Senior citizens palabasin para makapaghanapbuhay

Sa kanyang inihaing House Resolution 931, hiniling ni Datol sa Inter-Agency Task Force vs COVID-19 na payagan ang mga senior citizen na wala namang “underlying medical conditions” na makalabas man lang ng bahay o magtrabaho.

Walter Bollozos
.
.
facebook sharing button
messenger sharing button
twitter sharing button
  MANILA, Philippines — Bagama’t nananatili ang pandemic sa bansa, nais ni Senior Citizen Party-list Rep. Francisco Datol. Jr. na payagan na ng pamahalaan ang mga senior citizens na makalabas ng bahay para makapagtrabaho.

Sa kanyang inihaing House Resolution 931, hiniling ni Datol sa Inter-Agency Task Force vs COVID-19 na payagan ang mga senior citizen na wala namang “underlying medical conditions” na makalabas man lang ng bahay o magtrabaho.

“Hindi naman kasi la­hat ng seniors ay mahi­na ang kalusugan o mayroong sakit sa puso, diabetes, or immunity compromised,” ani Datol.

 

 .
Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
 SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT
.

Marami anyang senior citizens ang malusog at maaaring payagang lumabas sa kanilang qua­rantine levels.

Nangangamba si Datol na kapag hindi na pinapalabas ang mga senior citizens, mas nanghihina ito kaya hindi man sila aniya mamatay sa COVID-19 ay mamamatay naman sila dahil hindi sila nakakapaghanap-buhay o dahil sa kalungkutan sa kanilang mga tahanan.

 

 .
Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
 SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT
.

Unang inihain ni Da­tol ang HR 931 patungkol sa pagpapayag sa healthy seniors na lumabas ng bahay.

“Maraming seniors sa opisina, factory, at field nagtatrabaho. Halimbawa ay drivers ng tricycles, TNVS units, FX units, buses, motorsiklo, at cargo trucks. Basta ba healthy sila, payagan dapat lumabas ng bahay para maghanap-buhay,” ani Datol./ Doris Franche (Pilipino Star Ngayon )

.

.


SIGN UP TO RECEIVE OUR EMAIL
.
The most important news of the day about the ASEAN Countries and the world in one email:  [email protected]

6.8.2020

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page