ABS-CBN FRANCHISE: Annabelle Rama tumaas ang bp at sugar kay Marcoleta

Annabelle Rama

.

Maraming naloka kahapon kay Cong. Rodante Marcoleta.

As in siya ang pinapak ng netizens sa Twitter dahil para nga namang wala na siyang maitanong kay Mr. Gabby Lopez nang ipa-recite niya ang Panatang Makabayan.

Ginisa nga uli kahapon sa Congress si Mr.  Lopez tungkol sa kanyang citizenship na in all fairness ay matagal na naman talaga niyang sinagot.

 

 .
Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
 SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT
.
.

Wait, ano nga bang konek sa franchise renewal ng ABS-CBN ang Panatang Makabayan?

At isa ngang hingi nakatiis kahapon at panay ang tweet kahapon, si tita Annabelle Rama. Hahaha.

“Nakakahiya at nakakabwisit manuod ng hearing. Dong Marcoleta delaying tactics ang ginagawa mo – lahat kayo gusto lang ma starring sa TV!

“3 yrs na hindi ako active sa twitter nabuhay ako! Nahilo na ako habang nanonood sa bahay-Mr.Gabby Lopez pa kaya? Hay naku tumaas blood pressure pati na blood sugar ko,” isa sa tweet ng nanay nila Ruffa, Richard and Raymond.

 

 .
Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
 SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT
.
.

Actually, hindi lang naman talaga siya ang nahilo. Hahaha.

By the way, kasama sa daily mass ni Fr. Tito Caluag sa Metro Channel ang franchise renewal issue ng ABS-CBN.

As in Monday to Sunday ang nasabing misa ni Fr. Caluag at pinagdarasal ang Congress and Senate na maging patas para sa kanilang franchise renewal.

Pero, sana isama rin ni Fr. Caluag si President Duterte sa intention nila.

Baka kasi kung kasama ang president sa daily petition baka mas mapabilis ang franchise ng network at tumigil na ang ibang congressman sa kanilang ‘showtime.’ Hihihi.

 

 .
Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
 SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT
.
.

Although binabanggit ni Fr. Caluag na nagvi-vigil na sila a night before the hearing, mas magiging powerful siguro pag isinama pa nila si Pres. Duterte.

.


SIGN UP TO RECEIVE OUR EMAIL
.
The most important news of the day about the ASEAN Countries and the world in one email:  [email protected]

6.9.2020

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page