DU30’S DeBone-The Executioner: Sinas, na nag-‘party’ habang ECQ, nanibak ng 5 pulis dahil sa quarantine violation
Iniutos ni National Capital Region Police Officer (NCCRPO) director Brig. Gen. Debold Sinas ang relief ng mga opisyal kahit siya mismo’y lumahok ng birthday salo-salo, isang “mass gathering,” na ipinagbabawal din noong may enhanced community quarantine (ECQ) pa.
(Basahin: ‘Mahiya kayo’: Pagdepensa ng PNP sa ECQ bday bash ng NCRPO chief kinastigo)
“I will not condone any wrongdoing of our Police Officers in the implementation of the community quarantine protocols, if held responsible,” ani Sinas, Lunes.
NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas ordered the immediate relief of five police escorts of San Juan City Mayor Francis Zamora for alleged violation of health protocols in Baguio City.
Ang limang pulis ay sinasabing escort ni San Juan Mayor Francis Zamora, na umitsapwera raw sa border control checkpoint ng Kennon Road noong Biyernes kahit hindi sumasailalim, sa “mandatory triage health examination,” sabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Linggo.
Ani Magalong, bigla na lang humarurot ang sasakyan nang inspeksyunin ng checkpoint personnel matapos sabihin na bahagi sila ng isang convoy
Kasalukuyang nagpapatupad ng modified general community quarantine (MGCQ) ang Baguio City.
“We as law enforcers, are bound to respect the existing rules and regulations anywhere in the Philippines,” dagdag ni Sinas.
(May kaugnayan: Pag-abswelto ni Duterte kay Sinas, na nanguna sa ‘Negros 14’ killings, inalmahan)
Bagama’t kinundena na ni Magalong ang nangyari, umapela naman ang alkalde ng Baguio na iwasang husgahan si Zamora at kanyang grupo.
Una nang humingi si Zamora nang tawad sa “seryosong lapse” ng kanyang police escort, lalo na’t tulog siya sa sasakyan nang hindi pansinin ang standard border protection measure.
“Indeed, we have accepted the apologies of Mayor Zamora, no doubt conveyed in sincerity. But in my talk with him, I emphasized that it is to the people of Baguio, not I, who deserve to do that,” sabi ni Magalong kanina.
“After all, it is their primordial health and well-being that Mayors like him and I are consecrated to work for in these troubled times.”
Sa huling taya ng Department of Health, umabot na sa 21,895 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na ‘yan, 1,003 na ang namamatay. — may mga ulat mula sa The
SIGN UP TO RECEIVE OUR EMAIL
.
The most important news of the day about the ASEAN Countries and the world in one email: [email protected]
6.9.2020