COVID-19 PANDEMIC: MAYNILA- Trillanes kay Dutere: Gawing COVID-19 task force head si Robredo

Litrato nina dating Sen. Antonio Trillanes IV (kaliwa), Bise Presidente Leni Robredo (gitna) at Health Secretary Francisco Duque III (kanan) . The STAR/Mong Pintolo; Released/Office of the Vice President; The STAR/Boy Santos

facebook sharing button

messenger sharing button

MANILA, Philippines — Hinamon ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ang Malacañang, Biyernes, na italaga si Bise Presidente Leni Robredo bilang chairperson ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ngayong may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“Kung gusto talaga ng Malacañang na mag-flatten ang curve, dapat italaga nito si [Robredo] bilang IATF chair,” banggit ni Trillanes sa isang pahayag sa Inggles.

Kasalukuyang chair nito si Health Secretary Francisco Duque III, na pinaiimbestigahan ng Ombudsman dahil diumano sa mga anomalya sa pagkuha ng test kits, physical protective equipment (PPE), paglobo ng healthcare workers na may COVID at “mabagal” at “nakalilitong” pag-uulat ng mga kumpirmadong kaso.

 .
 Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
 SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT
.

Basahin: Duque, DOH officials, iimbestigahan ng Ombudsman

Co-chair ni Duque si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa nasabing posisyon sa IATF.

Ipinasa-subpoena rin ngayon ni Ombudsman Samuel Martires ang DOH at Department of Budget of Budget and Management (DBM) upang paluwain ng mga dokumentong sasagot kung saan talaga napupunta ang mga pondo kontra COVID-19.

Ika-16 ng Abril nang manawagan ang 15 senador para pagbitiwin si Duque, sa dahilang “bigo” at “pabaya” raw ang kanyang pamumuno sa pagtugon sa nakamamatay na virus.

“Kung si Vice President Leni ang mamumuno at magpapatakbo ng IATF, mas marami itong magagawa at siguradong mas maganda ang kampanya natin laban sa COVID-19,” dagdag pa ni Trillanes.

Matatandaang in-appoint noon ni Duterte si Robredo sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kahit kritiko ito ng madugong “war on drugs,” ngunit sinisante rin sa posiyon matapos ang ilang linggo,

.

 .
 Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
 SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT
.

Roque sinopla ni Trillanes

Binanatan din ng dating senador si presidential spokesperson Harry Roque matapos kastiguhin si Robredo sa kanyang mga kritisismo sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya.

“Hangad ko lang ay sana maghain ng solusyon ang bise presidente,” ani Roque sa panaym ng ANC, Miyerkules.

Sagot ni Trillanes: “Bulag ba si Roque o nagkukunwaring bulag sa tulong na ibinibigay ng ikalawang pangulo sa ating mga kababayan ngayong may pandemic?”

“Kung ang amo ni Roque na si Duterte ay patulog-tulog, si [Robredo] ay halos wala nang pahinga sa paghahanap ng paraan kung panno makatutulong sa mga Pilipino.”

Marso pa lang nang maglunsad ng mga bus transportation services si Robredo sa simula ng Luzon-wide lockdown. Nawalan kasi nang masasakyan ang mga manggagawang pangkalusugan matapos suspendihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pampublikong transportasyon noong ibinaba ang enhanced community quarantine (ECQ).

Nangalap din ang Office of the Vice President ng pondo para makabili ng mga PPE at naglunsad ng “e-market” project para kunining delivery courier ng mga pangangailangan ang mga tricyle drivers.

.

 .
 Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
 SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT
.

Nagsagawa rin ng donation drive si Robredo para makakuha ng mga ‘di ginagamit na gadgets, na magagamit ng mga estudyante’t guro sa kanilang “distance learning.”

“Ang ginawa ni Duterte, gumawa ng checkpoints kaysa mass testing at contact tracing. Nawasak din ang ekonomiya at lumobo ang COVID-19 cases dahil sa kanyang kabiguang tugunan ang problema,” sabi pa ni Trillanes.

Huwebes nang umabot sa 27,799 ang mga nahahawan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na ‘yan, 19,593 angt aktibong kaso at 1,116 na ang namamatay, ayon sa DOH.

 .
It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page