BIZ ABS-CBN FRANCHISE: MANILA- Franchise ng ABS-CBN, ‘bubuhayin’ sa plenary

Matatandaan na noong Hulyo 10, sa botong 70-11 ay ibinasura ng komite ni Alvarez ang prangkisa ng ABS-CBN kung saan sinabi nito na ‘laid on the table’ na ito na nangangahulugang tuluyan na itong ‘napatay’ sa Kamara.- The STAR/Miguel de Guzman, file
facebook sharing button
messenger sharing button
twitter sharing button

 MANILA, Philippines — Buhay pa ang ABS-CBN kahit “pinatay” na sa komite ng Kamara, pahayag ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, na nagsabing gagawin nila ang lahat upang muling buhayin ang network.

Ito’y matapos hilingin ni Zarate, kasama ang lima pang kongresista sa 305 miyembro ng Mababang Kapulungan na ratipikahan ang naging desisyon ng 70 congressman na nag-akda sa pagbasura sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Kasabay nito, hiniling din ni Zarate sa House Committee on Legislative Franchises na isumite sa plenaryo ang ulat ng technical working group, gayundin ang committee resolution upang maratipikahan na ang mga ito.

 

 .
Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
 SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT
.

Nauna rito, napuno ng pagdududa ang ilang kongresista sa ipinalabas na report ng TWG matapos itong aprubahan ng komite, gayong ito ay walang kasiguruhan at nananatiling kuwestiyonable.

Sa ipinadalang liham ng grupo ni Zarate sa committee chairman na si Rep. Franz Alvarez, hinimok ng mga ito ang huli na atasan ang kabuuan ng Kapulungan na magdesisyon sa ABS-CBN franchise renewal.

 

 .
Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
 SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT
.

Ito, ayon sa anim na kongresista ay dahil napagkaitan anila ng pagkakataon ang 305 mambabatas na bumoto bilang kinatawan ng kanilang mga nasasakupang distrito na lubhang naapektuhan ng desisyong ito ng komite.

Matatandaan na noong Hulyo 10, sa botong 70-11 ay ibinasura ng komite ni Alvarez ang prangkisa ng ABS-CBN kung saan sinabi nito na ‘laid on the table’ na ito  na nangangahulugang tuluyan na itong ‘napatay’ sa Kamara.

Ayon naman sa Makabayan Bloc, hindi maituturing na “killed” ang isang panukala kung ito ay tatawaging “laid on the table.”

“Kahit saang bahagi ng Rules, hindi mo makikita ang salitang “kill.” Hindi pa ito ang katapusan. Pansamantala lamang ito,” pahayag ng mga ito.

Kuwestiyonable, anila ang TWG report na inaprubahan ng komite, dahil hindi umano malinaw kung ano ang napagkasunduan dito. Punung-puno rin anila ito ng mga salitang “it appears” na nangangahulugang walang kasiguruhan.

Joy Cantos -Pilipino Star Ngayon


SIGN UP TO RECEIVE OUR EMAIL
.
The most important news of the day about the ASEAN Countries and the world in one email:  [email protected]

7.23.2020

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page