DEMOCRACY-DU30’S DRUG WAR-E.J.K.: MANILA- Duterte hindi maku-kudeta – Lorenzana
CAPTAIN AMERICA …….. IS BACK
HELP IS COMING …
…….. WATCH OUT DU30
WATCH YOUR BACK …… COUP D’ETAT
.
MANILA, Philippines — Tiwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi maku-kudeta at walang mangyayaring military takeover sa panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pahayag ni Lorenzana ay matapos arestuhin ang lider ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi at iba pang matataas na opisyal mula sa National League for Democracy (NLD).
Lumala ang tensyon sa pagitan ng civilian government at mga militar na nagbunsod sa malawakang kudeta matapos ang ginanap na halalan sa bansa na pinaniniwalaang may dayaan. Kasama ni Suu Kyi na nakulong si President Win Myint.
Ayon kay Lorenzana, suportado ng militar at pulis si Pangulong Duterte gayundin ng publiko na nagtiwala sa kanya simula noong 2016.
“(That) will never happen. The military and police are happy with PRRD. He has our full support,” ani Lorenzana.
Paliwanag ni Lorenzana, nananatili ang mataas na approval ratings ni Duterte sa lahat ng mga surveys partikular noong last quarter ng 2020 na pumalo sa 91 percent.
.
Doris Franche / Pilipino Star Ngayon
February 3, 2021 – 12:00am