OP ED EDITORIAL: OPINION- Pilipino STAR Ngayon – Marami pa rin panggulo’’
NGAYON ang huling araw ng pagpa-file ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa 2019 elections. Sabi ng Comelec, hindi na sila magbibigay ng extension. Kaya inaasahang dadagsa ngayong araw na ito ang mga tatakbo. At tiyak na marami pa ring hahabol na mga nuisance candidates. Makikigulo sila at mang-aagaw ng pansin.
Noong nakaraang Huwebes na simula ng pagpa-file ng COC, dumagsa ang mga kakandidato. Marami na agad ang nag-file ng kandidatura at kasama pa ang kanilang supporters. May mga Ati-Atihan dancers pang kasama ang ilan para lamang mapansin.
Sa Comelec main office sa Intramuros, maraming nag-file ng candidacy para sa senador. Ilan ang naging kapansin-pansin sapagkat halatang hindi naman seryoso sa pagtakbo at ginagawa lang katatawanan ang pagpa-file. Ilan sa mga nag-file noong Huwebes ay dati na ring nag-file noong 2016 para kumandidatong senador. Pero idinideklara silang nuisance candidate ng Comelec. “Panggulo’’ lamang ang mga ito kaya ibinabasura ang kanilang pagtakbo. Nararapat na sa simula pa lamang ay maging mabusisi na ang Comelec sa mga magpa-file. Huwag nang hayaang mapabilang pa ang hindi naman karapat-dapat at ginagawa lang biro at katatawanan ang pag-file ng COC. Dapat maputol na ang ganitong senaryo.
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
.
Ang isang hindi maikakaila ngayon ay simula na talaga ng election kaya inaasahang babaha na rin ang pera para sa pangangampanya. Yung iba, kahit hindi pa panahon ng kampanya ay nagsisimula na. Ang mga ganitong kandidato ang nararapat bantayan ng Comelec sapagkat mahigpit na ipinagbabawal ang maagang pangangampanya. Kailangang maging parehas ang mga kandidato. Kailangang malaman din ng Comelec kung saan galing ang ginagastos ng kandidato. Maraming kandidato ang pinatatakbo ng drug syndicates para mayroon silang kakamping mambabatas.
Dapat din namang maging alerto ang Philippine National Police (PNP) para maiwasan ang karahasan sa election. Buwagin ng PNP ang private army ng mga pulitiko para masigurong walang kaguluhan sa 2019 elections. Samsamin ang loose firearms lalo sa mga lugar na itinutu-ring na hot spots.
.
ASEANEWS EDITORIAL & CARTOONS:
Updated
After nine straight months of rising prices, the government took its first big step to stop the rise last Tuesday. It removed all restrictions on rice importations. Since food prices make up the biggest part of inflation figures and rice is the principal food item of Filipinos, unimpeded rice importation should have an impact on the whole market situation in the country.