OP ED EDITORIALS & CARTOONS: Pilipino STAR Ngayon – Leksiyon sa mga ‘utak pulburang’ pulis
MULA nang maglunsad ng kampanya laban sa illegal na droga ang Duterte administration, parang mga asong ulol ang ilang pulis na huli rito, huli roon ang ginawa. Dampot dito, dampot doon. Tokhang dito, tokhang doon. At hindi lang basta pagdampot sa taong pinaghihinalaang sangkot sa droga ang ginagawa kundi binabaril pa kahit nagmamakaawa na.
Nagmistulang binigyan ng lisensiya ang mga pulis para lipulin ang mga pinaghihinalaang drug pusher o maski ang mga addict. Nagpalakas sa kanilang loob ang binitawang pananalita ni President Duterte na tutulungan ang mga pulis na kakasuhan dahil sa pagpatay sa mga drug suspects. Ang resulta, sumobra ang pagpapakita ng suporta sa drug campaign kaya kahit mga kabataan na wala namang kasalanan ay hinuhuli at walang awang pinapatay.
Halimbawa ay ang ginawa ng tatlong pulis mula sa Caloocan na hinuli ang binatilyong si Kian delos Santos, dahil drug courier umano ito, base sa sinabi ng police imformant. Dinala si Kian sa isang makipot na eskinita at doon pinaamin. Sinampal din umano ito. Nagmakaawa si Kian na huwag patayin. Ayon sa mga nakasaksi, binigyan ng baril si Kian at sinabihang tumakbo. Nang ayaw tumakbo, binaril ito habang nakaluhod. Tatlong tama ng bala ang tinamo ni Kian – dalawa sa ulo at isa sa likod.
Habambuhay ang inihatol ni Judge Rodolfo Azucena ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 125 sa mga pulis na sina PO1Jeremias Pereda, PO1 Jerwin Cruz at PO3 Arnel Oares dahil sa pagpatay kay Kian.
Naganap ang pagpatay sa panahon na may isinasagawang “One Time, Big Time” drug operations sa lugar. Mistulang mga gutom na aso na pinakawalan ang mga pulis Caloocan na bawat makursunadahang itumba ay itutumba para masabing ginagawa nila ang tungkulin. Wala na silang pakialam kung ang maitumba ay inosente. Basta magpapasikat sila sa rami nang napatay na drug suspects.
Maraming pulis na ‘‘utak pulbura’’ na kahit nagmamakaawa ang suspect ay papatayin pa rin. Matutuwa ang marami kung mahuhuli at mapaparusahan ang mga “utak pulburang” pulis.
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
.
.
ASEANEWS EDITORIAL & CARTOONS:
7.1.DAILY TRIBUNE- Hot potato- DAILY TRIBUNE / – CONCEPT
– Manila’s lost glory
7.2. Manila Bulletin – Japan needs foreign workers in many fields
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
.
.