EDITORYAL – Inabuso ang pagbibigay ni Isko
WALANG dapat sisihin sa ginawa ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na permanenteng ipagbawal ang pagtitinda sa Ilaya St. Divisoria kundi ang vendors na rin. Hindi tumupad ang vendors sa pinagkasunduan na huwag magtatambak ng basura sa kalsada. Nakita ang tunay na kulay ng vendors kaya pinarusahan na sila. Kung nagkaroon lang sana sila ng disiplina at marunong tumupad sa pinagkasunduan, patuloy pa sana silang makakapaghanapbuhay at kumikita para sa kanilang pamilya. Umabuso sila at hindi binigyan ng halaga ang pagbibigay ni Isko.
Sorpresang binisita ni Isko ang Divisoria noong nakaraang linggo. At ang sumalubong sa kanya ay ang ga-bundok na basura sa kanto ng Recto Avenue at Ilaya St. Nilalangaw ang basura at naglisaw ang mga daga. Binaboy ang lugar.
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
Sa galit ni Isko, agad niyang ipinasya na hindi na papayagan na makapagtinda roon ang vendors. Tama na umano ang pagbibigay niya sa mga ito. Inililigtas na umano niya sa mga ito sa mapang-abusong indibidwal pero hindi pa rin makipagtulungan sa pamahalaan.
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
Sabi pang naiinis ni Isko, talagang may pag-kababoy ang vendors at siguro, ganito rin ang gawain sa kanilang mga bahay. Pinagbigyan na raw niyang makapaghanapbuhay pero hindi siya sinunod. Wala raw hiya ang mga vendor.
Nararapat lang na huwag nang pagbigyan ang mga walang disiplinang vendors. Ang mga taong hindi sumusunod sa pinagkasunduan ay hindi na dapat bigyan pa ng pangalawang pagkakataon. Pinagbigyan na ang mga ito at sapat na iyon. Tama na ang pakikipagmabutihan sa mga walang disiplina at mga walang paggalang sa pinag-usapan. Masasayang lamang ang oras sa kanila.
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –
Nararapat bantayan ang mga lugar na inokupa ng mga walang disiplinang vendors at baka magsipagbalikan at babuyin muli ang lugar. Sayang ang nasimulan kung babalik sa maruming kapaligiran ang Divisoria.