MANILA: SHOWBIZ – JC naiyak habang nagso-sorry sa ex-gf!

Kumpirmadong nagkahiwalay na si JC Santos at ang stage actress na kasintahan na si Teetin Villanueva. Tumagal ng apat na taon ang relasyon ng dalawa.

.

.

Aminado si JC na ang kanyang trabaho ang naging dahilan o ang kakulangan niya sa oras sa kasintahan ang naging dahilan ng hiwalayan. “Ang tanong ng maraming tao, ng netizens, kung may third party ba? Ang sabi ko, ‘Opo, third party, at ‘yung third party na ‘yon ay ang career ko.’ Ayoko kasing maging unfair sa kanya dahil sobrang selfless, sobra ‘yung pagmamahal ni Teetin sa akin, naa-appreciate ko nang sobra. Nagiging unfair ako sa kanya dahil nawawalan ako ng time,” pagtatapat ni JC.

Sa ngayon ay hindi pa muling nagkakausap ang dating magkasintahan. Hindi pa rin masabi ni JC kung posible pa silang magkabalikan ni Teetin. “Right now, napakainit ng mga nangayayari, tingnan natin. Ngayon kasi posibleng galit kami sa isa’t isa and nasa mabigat na sitwasyon pa ang relationship. Kung lumamig na eventually, kasi nandito pa rin naman ako bilang kaibigan para sa kanya,” paglalahad ng binata.

Nagbitaw din ng makabuluhang mensahe si JC para sa dating nobya. “Teetin, I’m sorry I let you down. Nandito pa rin naman ako para maging kaibigan. You deserve to be happy, at pasensya na kung hindi ko mabigay sa ‘yo ‘yon. You deserve someone better. Napaka-loving ni Teetin at hindi ko mapantayan ‘yung pagmamahal na ‘yon,” naiiyak na pahayag ni JC.

Bea Ayaw Muna Sa TV

Pahinga muna sa telebisyon si Bea Alonzo dahil tatlong pelikula ang nakatakdang gawin ng aktres ngayong taon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay makakasama ni Bea si Charo Santos-Concio sa Eerie na isang horror film.

Makakatambal din ng aktres si Aga Muhlach sa kauna-unahang pagkakataon sa isang malaking proyekto.

Bukod dito ay muling makakatambal ni Bea sina Derek Ramsay at Paulo Avelino sa pelikulang Kasal.

“All films muna this year because after a year of just doing TV, na-miss ko ang pagpepelikula. To be able to do different genres this year. That’s the most exciting part for me,” nakangiting bungad ni Bea.

Samantala, kamakailan ay kinilala ang dalaga bilang Actress of Her Generation sa People of the Year 2017 ng People Asia Magazine. Isang malaking karangalan para kay Bea na mapabilang dito.

“I feel like isa ito sa pinakamagandang taon ng buhay ko. I feel so honored to have shared the stage with these people, na respetado sa kani-kanilang industries. Na-validate na I’m on the right track. I hope to inspire young women to never give up on their dreams,” nakangiting pahayag ni Bea.

 COURTESY:
SHOWBIZ NEWS NOW NA!
Boy Abunda
Pilipino Star Ngayon
January 18, 2018 – 12:00am
.NOTE : All photographs, news, editorials, opinions, information, data, others have been taken from the Internet ..aseanews.net | [email protected] |

For comments, Email to :
Zhubiz Chezmiz | [email protected] | – Contributor

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page