MANILA EDITORIAL CARTOONS: Ipakita na kaya ang problema sa droga – By: Pilipino Star Nagyon
“PAPASANIN ko!” Iyan ang sinabi ni Vice President Leni Robredo makaraang tanggapin ang posisyon na inalok ni President Duterte. Inalok si Robredo na maging co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) na halos katulad din ng papel ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Marami ang natuwa sa desisyon ni Robredo. Tama ang desisyon niya na tanggapin ang imbitasyon ng Presidente para pamununuan ang isang ahensiya na makakatulong sa paglutas sa problema ng illegal na droga sa bansa.
Sa pagkakataong ito, dapat niyang ipakita na mayroon siyang magagawa para masolusyunan ang malaking problema sa droga na minsang inamin ni President Duterte na isang malaking kabiguan sapagkat tatlong taon na siya sa termino ay nananatili pa ring problema ang droga.
.
Sinimulan ang kampanya sa droga noong 2016 subalit patuloy pa rin ang drug trafficking sa bansa. Kahit araw-araw ay may nahuhuling pushers at maraming nakukumpiskang shabu, walang ipinagbago at lalo pang lumalala ang problema. Sa report, humigit-kumulang na 4,000 na umano ang napapatay dahil sa drug operations. Marami na rin ang nasa rehabilitation centers.
Makahulugan ang mga sinabi ni Robredo makaraang tanggapin ang posisyon. Sabi niya kung ito ang paraan para matigil ang patayan ng mga inosente at mapanagot ang mga dapat mapanagot, kakayanin niya ito. Kaya raw niya itong pasanin.
Marami ang nagulat sa pagtanggap niya ng imbitasyon sapagkat isang araw makaraang ihayag ng Malacañang ang alok, sinabi ng kampo ni Robredo na ito ay isang patibong. Hindi raw existent ang nasabing posisyon. Pero tinanggap nga niya ang offer at sabi pa ng Vice President, kahit daw ang alok ay isang pamumulitika at hindi naman siya susundin ng mga ahensiya, handa raw niyang tiisin ang lahat. Magpopokus umano siya sa kanyang maiko-contribute para sa drug campaign. Gusto raw niya ay maging maayos ang kampanya laban sa iligal na droga. Gusto niyang matigil ang pagpatay sa mga inosente at mapanagot ang mga abusadong opisyal tulad ng ninja cops at mga nagpapalusot ng shabu.
Ipamalas ni Robredo ang kakayahan. Baka ang kaalaman niya ang maging susi para malutas ang problema sa illegal na droga.
#MANILA STANDARD:
Other walls have risen
# MANILA TIMES:
BODY CAMS FOR COPS
.
ADS by Cloud 9:
.
– SPACE RESERVE FOR YOUR ADVERTISEMENT –