CHESS: 7th leg ng 1st Bullet Chessfest- Karl Ochoa- Champion
.Pinagharian ng 29-anyos na si Ochoa ang seventh leg ng First Philippine Bullet Chess Championship kamakalawa./ STAR/File
..
.
MANILA, Philippines — Matapos humataw ng 10 titulo sa mga malilit na online tournaments ay nakadale ng malaki si chess player Karl Ochoa.
Pinagharian ng 29-anyos na si Ochoa ang seventh leg ng First Philippine Bullet Chess Championship kamakalawa.
Naipanalo ni Ochoa, dating World Youth campaigner, ang huli niyang limang laro kasama ang pagsapaw kay FIDE Master Sander Severino sa 20th at final round para isulong ang 15.5 points at angkinin ang korona.
.
“This is my biggest title since I won the 2200 event in a major tournament in the United States in 2004,” sabi ni Ochoa, tumatayong coach ng mga estudyante sa Calumpit, Bulacan.
Dinodomina ni Ochoa ang mga mini online tournaments kasama ang ilan sa Chesstropolis subalit nahihirapang manalo sa mga malalaking online tourneys.
.
Kabilang sa mga tinalo ni Ochoa ay sina FM Alekhine Nouri, International Master John Marvin Miciano, Grandmaster Joey Antonio, IM Joel Pimentel, IM Daniel Quizon, ang fourth leg winner at IM Paulo Bersamina, ang sixth leg titlist.
Pumangalawa naman si IM Jan Emmanuel Garcia, nagtala ng two-point lead sa gitna ng torneo bago kinapos sa huli mula sa kanyang 15 points.
Nagtapos sa ikatlong puwesto si Quizon na mayroon ding 15 points.