ELECTION 2022: Duterte kay Sara: MANILA- ‘Wag kang mag-presidente!

Sa kanyang talum­pati sa Jolo, Sulu, sinabi ng Pangulo na pagod lamang ang makukuha sa trabaho bilang pangulo. / Karl Norman Alonzo/Presidential Photo

.
messenger sharing button
twitter sharing button
.

MANILA, Philippines — Muling pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anak na si Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte na huwag ambisyunin na maging presidente ng bansa.

Sa kanyang talum­pati sa Jolo, Sulu, sinabi ng Pangulo na pagod lamang ang makukuha sa trabaho bilang pangulo.

“Sabi ko sa anak ko, kay Inday, ano — sabi ko, ‘Day, p***** i** ‘wag mong pasukin ‘yang trabaho na ‘yan. Wala ka talagang makuha diyan, pagod lang,” ani Duterte.

.

 

 .
Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
 SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT
.

Binanggit din ng Pa­ngulo na kung tutuusin ay mas malaki pa ang suweldo ng ilang heneral kaysa sa kanya.

“Suweldo mo P194,000. Ang ibang ge­nerals dito mas malaki pa sa suweldo ko, totoo lang,” ani Duterte.

.

 

 .
Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
 SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT
.

Pero binanggit din ni Duterte na sinabihan niya si Sara na puwede lang nitong isulong ang pagtakbo bilang presidente kung para sa pagseserbisyo sa bayan.

Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nais lamang sabihin n Pangulo na “thankless job” ang trabaho ng presidente.

.

Malou Escudero -Pilipino Star Ngayon


SIGN UP TO RECEIVE OUR EMAIL
.
The most important news of the day about the ASEAN Countries and the world in one email:  [email protected]

7.15.2020

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page