OPINION-ZHUBIZ: SHOW-MY- Inaakusahang sawsawera Jennylyn hindi nagpaawat sa pakikidalamhati – ABS-CBN FRANCHISE
Jennylyn Mercado
Bongga si Jennylyn Mercado.
Wala siyang takot sa stand niya sa hindi pagkaka-renew ng contract ng franchise ng ABS-CBN.
Kinabog pa nga niya ang ibang artista ng network ng pinasikat at pinayaman pero walang suportang ipinakikita ngayon sa pinagdaraanang krisis ng giant network. “One quick reminder to the people na nagrereply ng “shhh”, “shut up” o “tumahimik ka nalang”, at “huwag ka mangelam”… Respecting other people’s opinion is a value you seem to have forgotten…” ang unang tweet ng Kapuso actress. “The moment you hinder someone from speaking their mind is the moment you failed to respect the rights of your fellow Filipino,” dagdag ng partner ni Dennis Trillo dahil sa bashing na natanggap niya matapos magbigay ng suporta sa nangyaring pagbasura sa franchise ng kalabang network ng GMA 7. “When the Philippines unemployment rate just recorded an all time high, that’s when the congress decided to terminate a renewal which will cost and additional thousands of people their jobs. Nasan yung logic dun?”
Na hindi talaga pinalampas ng ibang trolls / bashers / observers. ‘Wag daw siyang maging sawsawera at maging neutral na lang siya sa mga pangyayari. “But I am a Filipino and that alone is enough. To be neutral or silent in times of injustice is injustice. If being “bashed” is a small price to pay for practicing my right to freedom of speech. Then I am fine with it.”
Nauna nang nag-tweet si Jennylyn ng “Kamusta na pala kayong lahat?
At higit sa lahat kamusta na kaya yung nag Mañanita, yung Senador na kailangan ng compassion, at ang blogger na mag-mass gathering?”
May ilan pang akusasyon na hindi naman daw si Jennylyn ang totoong nagti-tweet nun at may administrator siya.