BIZ-REALTY: MANILA- Pacman hindi ibinigay sa tawad na P1.8 bilyon ang mansion

Sen. Manny Pacquiao at Jinkee/ STAR/File

.

.
messenger sharing button

Payag sa P2 billion…

May tumawad ng P1.8 billion sa mansion ng mga Pacquiao sa Forbes Park, Makati. Pero ayon sa malapit kay Sen. Manny Pacquiao, hindi ito ibinigay sa nasabing halaga ng boxing champion.

“Tinanong ko siya ngayon lang. May tumawad daw ng P1.8 billion hindi siya (Pacquiao) pumayag. Pero kung P2 B daw ibebenta niya,” ang update ng source kong dikit kay Sen. Pacquiao kahapon.

 

Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT

.

Kumalat nga ang isyung for sale ang nasabing mansion for P1.5 billion. Pero mga lumang photos ang attached sa listing ng isang website. Kuha raw ang nasabing photos sa pictorial ng bahay para sa isang magazine years ago. Nakasaad nga sa listing na for sale ang mansion ng mga Pacquiao sa Makati for P1.5 billion ayon sa Presello website pero hindi binanggit ang pangalan ng may-ari at identified lang ito sa mga photos.  “Dati pang photos ‘yan. Iba na ngayon, newly remodeled na,” ang nauna nang chika ng nasabing source ko na isa sa mga BFF ng mister ni Jinkee Pacquiao.

 

Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT

.

Dapat daw nga ay last April pa natapos ang renovation ng nasabing mansion pero nagka-pandemic.

Kasalukuyang nasa GenSan ang pamilya Pacquiao kung saan meron din silang mansion.

 

Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT

.

Anyway, nang tanungin ko sa ka-viber kong source kahapon kung sino ang nag-offer ng P1.8 billion sa senador/boxing, wala pa siyang reply hanggang sa natapos kong sulatin ito.

SHOW-MY – Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon
It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page