Mega Lotto 6/45 WON. MANILA- P24 milyong jackpot sa 6/45 Mega Lotto, napanalunan ng taga-Marikina

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Marzan-Garma, matapos na magkasunod na mapanalunan ang jackpot prizes ng Regular Lotto 6/42 nitong Huwebes at Ultra Lotto 6/58 nitong Linggo, ay naibulsa na rin nitong Lunes ng gabi ng isang mananaya mula sa Marikina City ang P24 milyong jackpot prize ng 6/45 Mega Lotto. / Miguel de Guzman/File
facebook sharing button
.
twitter sharing button
.

MANILA, Philippines — Tatlong parokyano na ng lotto games ang sunud-sunod na naging milyonaryo sa loob lamang ng limang araw.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Marzan-Garma, matapos na magkasunod na mapanalunan ang jackpot prizes ng Regular Lotto 6/42 nitong Huwebes at Ultra Lotto 6/58 nitong Linggo, ay naibulsa na rin nitong Lunes ng gabi ng isang mananaya mula sa Marikina City ang P24 milyong jackpot prize ng 6/45 Mega Lotto.

Sinabi ni Garma na matagumpay na nahulaan ng jackpot winner ang six-digit winning combination na 37-07-34-17-05-27 na may jackpot prize na P24,042,863.80.

 

 Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT
.
.

Samantala, 41 mananaya rin ang nagwagi ng second prize at tatanggap ng tig-P32,000 matapos na mahulaan ang lima sa six-digit winning combination, habang 929 bettors ang nanalo ng tig-P1,000 at 10,777 ang nakakuha ng balik-taya na tig-P30.

Nitong Huwebes ng gabi, napanalunan ng isang taga-San Fernando, La Union ang P49.7 milyong papremyo sa 6/42 Regular Lotto habang Linggo naman ng gabi nang mapagwagian ng lone bettor mula sa Quezon City ang mahigit sa P339 milyong jackpot prize ng 6/58 UltraLotto.


SIGN UP TO RECEIVE OUR EMAIL
.
The most important news of the day about the ASEAN Countries and the world in one email:  [email protected]

9.9.2020

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page