OPINION-Featured: Trillanes: Pangulong Duterte, et al diretso sa kulungan kapag natalo sa 2022 elections

By Jan EscosioAugust 19, 2021 – 11:02 AM

Ipinangako ni dating Senator Antonio Trillanes IV sa kanyang sarili na didiretso sa kulungan si Pangulong Duterte at ang bumubuo ng tinawag niyang ‘Davao Group’ kapag natalo ang mga ito sa eleksyon sa susunod na taon.

.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Trillanes na sa pagdinig kahapon ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa paggasta ng pondo ng Department of Health, tumibay ang mga hinala na bilyong-bilyong piso ang kinita ng administrasyong-Duterte ngayon pandemya.

“It is very clear from the Senate’s hearing yesterday that Duterte and hus Davao group took advantage of the pandemic to earn billions through high-level corruption,” ang post ng dating senador.

 

Dagdag pa niya; “kaya siya (Duterte) galit sa COA. Kaya kulungan ang diretso ng mga ‘to kapag natalo sila sa 2022.”

 

Kahapon sa pagdinig, bukod sa hindi pagbibigay sa medical frontliners ng kanilang mga benepisyo, naungkat din ang mga ‘overpriced’ na mga kagamitan na binili ng DOH.

Read more: https://radyo.inquirer.net/298821/trillanes-pangulong-duterte-et-al-diretso-sa-kulungan-kapag-natalo-sa-2022-elections#ixzz75AMwx8le
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page