Ano Ba Talaga Kuya? Pa Pa Kutus Kutusan Na Lang Ba Mga Pinoy Kay Xi Jinping?
Ano Ba Talaga Kuya?
Pa Kutus Kutusan Na Lang Ba Mga Pinoy Kay Xi Jinping (China)?
- Natural bang walang balls ang mga Pinoy?
- Ugaling KUTONG-Digong ba mga Pinoy na tinitiris-tiris sa paa?
- IPIS-Digong ba ang pagtingin ni Xi Jinping (China) sa atin?
.
Pilipino Star Ngayon: |Sobra na!
- TAMA NA!!!
- STOP IT!!
- DO THE DAVID STRATEGY VS. GOLIATH (xi jinping) .
- USE BRAIN TO DEFEAT THE ENEMY …
- xi jinping (THE MAN -THE ENEMY)
- REMEMBER: The enemy is xi jin ping not the Chinese people?
.
Binomba na naman ng tubig ng China Coast Guard ang barko ng Pilipinas kahapon habang naghahatid ng supply sa mga mangingisda sa Scarborough Shoal. Walong beses binomba ng tubig ang Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Ito ang ginagamit sa pagdadala ng mga suplay sa mga mangingisda na madalas ding i-bully ng mga barko ng China. Maraming beses na ring binomba ng tubig ng CCG ang mga bangka ng mangingisda. May pagkakataon na pati ang mga shell na nakuha ng mga Pinoy na mangingisda ay kinukumpiska ng CCG at Chinese militia. Ang ginagawa ng CCG ang dahilan kung bakit maraming mangingisda at kanilang pamilya ang nakararanas ng gutom. Pinagbabawalan silang mangisda sa sariling teritoryo.
Ang pag-water cannon at pagbangga sa barko ng BFAR ay madalas na ginagawa ng CCG. At sa bawat pag-water cannon at pagbangga ng CCG sa mga barko ng Pilipinas, ang laging sinasabi ng China ay pumasok daw nang walang paalam ang barko ng Pilipinas sa kanilang teritoryo. Sabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Lin Jian sa nangyaring pagbomba at pagbangga nila sa barko ng Pilipinas ay kinakailangan sapagkat pumasok sa sakop ng China na walang paalam. Kailangan daw nilang gawin iyon para maitaboy ang barko ng Pilipinas.
Noong nakaraang Marso, ginitgit ng CCG ang BRP Sindangan ng Philippine Coast Guard sa Second Thomas Shoal. Magsasagawa ng resupply mission ang PCG at ineskortan ang barkong maghahatid nito sa Ayungin Shoal. Subalit hinarang sila ng CCG at nagsagawa ng delikadong maniubra. Nagasgasan at nabasag ang salamin ng barko ng PCG. Habang hinaharass ang BRP Sindangan, hinabol at binomba ng tubig ang maliit na barkong magdadala ng supply. Kinondena nang maraming bansa ang ginawa ng China at nagpaabot ng suporta sa Pilipinas. Nararapat daw sumunod ang China sa batas ng karagatan.
Ang pangyayari kahapon na pagbangga sa BRP Datu Bankaw ay nagbunga na naman ng mga pagkondena mula sa maraming bansa na kaibigan ng Pilipinas. Nararapat daw sumunod ang China at hindi maging marahas. Noong nakaraang buwan, sinabi ng U.S. na kapag may namatay sa mga sakay ng Philippine vessels makaraang atakehin ng China, mapipilitan na silang gamitin ang RP-US Treaty kung saan tutulong ang U.S. sa Pilipinas.
Hanggang kailan magtitiis sa ginagawang pambu-bully ng China? Hanggang kailan ang ginagawa nilang pagbomba ng tubig na ikinasisira ng barko ng Pilipinas? Sobra na ang kanilang ginagawa. Dapat nang magkaisa at lumaban sa abusado at kamkamerong China.
.