OP-ED EDITORIAL: OPINION & CARTOON – Isa pang ‘cesspool’ By Pilipino Star Ngayon, Wednesday, March 14, 2018
EDITORYAL – Isa pang ‘cesspool’
NOONG nakaraang Pebrero, walang kagatul-gatol na sinabi ni President Duterte na ang karagatan sa Boracay ay napakarumi at inihalintulad niya ito sa poso-negro na imbakan ng dumi. Tinawag niyang “cesspool” ang Boracay. Nagbanta siyang ipasasara ang Boracay kapag hindi ito nilinis sa loob ng anim na buwan. Nagkumahog si DENR Sec. Roy Cimatu sa pagkilos at agad nagkaroon ng inspeksiyon. Natuklasan na maraming establishment ang lumalabag sa environmental laws. Walang waste water treatment facilities ang mga establisimento. Mahigit 100 establishments ang lantarang lumalabag kaya naman nagmistulang poso-negro ang karagatan. Walang kamalay-malay ang mga turista na ang pinaglulunuyan nila ay kontaminado.
Isa pang “cesspool” ang kinakailangang inspeksiyunin ng DENR. Ito ay ang Puerto Galera sa Oriental Mindoro. Huwag nang hintayin pang si President Duterte ang magsabi at pagbantaan ang Puerto Galera na isasara rin ito sapagkat marumi rin ang karagatan. Ang Puerto Galera ay walang ipinagkaiba sa Boracay sapagkat nagmistula ring poso-negro ang karagatan. Sa dagat din iniluluwa ang mga dumi ng establisimento.
Sa isang TV documentary, ipinakita ang mga PVC pipes na galing sa mga establishment at nakatutok sa karagatan. Iniluluwa ng pipes ang mga dumi ng tao, maruming tubig mula sa hotel patungo sa dagat. Iyon na ang simula kung bakit ngayon ay mistulang “cesspool” na rin ang karagatan ng Puerto Galera.
Kapansin-pansin ang mga lumot sa dalampasigan ng Puerto Galera. Ayon sa DENR officials, palatandaan iyon na marumi ang tubig ng dagat. Ayon sa mga may-ari ng restaurant sa Sabang Bay, babagsak ang turismo sa Puerto kapag hindi nasolusyunan ang maruming karagatan. Dapat kumilos si DENR Sec. Cimatu. Ipakita rin niya rito ang “kamay na bakal” gaya nang ipinakita niya sa Boracay. Linisin ang Puerto Galera sa lalong madaling panahon. / By Pilipino Star Ngayon, Wednesday, March 14, 2018
.
7.2 Boracay will recover from its problems – The Manila Bulletin
.
7.3. Poor optics – The Manila Standard
.
7.4. DOJ CLEARS PETER LIM AND KERWIN ESPINOSA – The Manila Times
7.5. Black letter, dark times – The Philippine Daily Inquirer
.
8.1. Trump takes his wrecking ball to global trading system – For The Straits Times
Vikram Khanna -Associate Editor – For The Straits Times
..
VEERA PRATEEPCHAIKUL FORMER EDITOR
– The Bangkok Post
.For comments, Email to :
D’Equalizer | [email protected] | Contributor.