ABS-CBN FRANCHISE: Ang baho mo Moy Coveta- Umaalinsangan kasinungaligan mo..

Ito ang napag-alaman sa ilang dokumentong nagmula mismo sa Mababang kapulungan taliwas sa pahayag nito sa pagdinig ng Kamara sa franchise bill ng ABS-CBN nitong Lunes na kailanman ay hindi siya naging awtor ng anumang franchise bills./ Boy Santos, file
,
.

Marcoleta binira sa franchise bills

facebook sharing button
messenger sharing button
twitter sharing button
 

TRIAD

.

MANILA, Philippines — Naging principal author umano si Cong. Rodante Marcoleta ng ilang franchise bills na tumagal ng 50 taon.

Ito ang napag-alaman sa ilang dokumentong nagmula mismo sa Mababang Kapulungan taliwas sa pahayag nito sa pagdinig ng Kamara sa franchise bill ng ABS-CBN nitong Lunes na kailanman ay hindi siya naging awtor ng anumang franchise bills.

 

 .
Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
 SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT

.

TRIAD LOGO- BOSS NI MOY COVETA

.

Sa naturang joint hearing, binigyang-diin ni Marcoleta, miyembro ng Sagip Party, hindi kailanman siya naging pangunahing awtor ng anumang franchise bill sapagkat ang kanyang kinakatawan sa Kamara ay ang urban poor na aniya’y wala namang kakayanang magmay-ari ng anumang himpilan ng radio at telebisyon.

Nag-ugat ang isyu nang pabulaanan ng kongresista ang mga ulat mula kay ABS-CBN reporter Mike Navallo, na nagsasabing naging awtor si Marcoleta ng ilang franchise bills at karamihan sa mga prangkisang ito ay tumagal na nang higit 50 taon.

Sa kanyang pahayag kaugnay sa pagbabasura ng ABS-CBN franchise, sinabi mismo ng congressman na labag sa batas ang lagpas 50 taong prangkisa.

 

 .
Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
 SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT

.

Gayunman, base sa mga pananaliksik, naging pangunahing awtor si Marcoleta ng ilang franchise bills na kinabibilangan ng GMA-7 na ngayo’y lagpas na rin sa 50 taon.

Sa kanyang mga pa­­hayag sa patuloy na pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN, sinabi ni Marcoleta na hindi na maaaring mabigyan ng panibagong franchise ang naturang himpilan sapagkat lagpas na ito sa 50 taon at malinaw na lumabag sa isinasaad ng Konstitusyon.

Sa kabila nito, nagpahayag naman ang mga kasamahang mambabatas ni Marcoleta na maaaring magkaloob ng panibagong 50 taong prangkisa ang Kongreso na maaari pa nilang mapalawig nang hanggang panibagong 50 taon.

 

 .
Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
 SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT

.

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, hindi cumulative ang prangkisa.

Ayon naman kay Ba­yan Muna Rep. Carlos Zarate, kung makatotohanan ang mga sinasabi ni Marcoleta, dapat sana’y isa siya sa mga tumangging bigyan ng panibagong prangkisa ang GMA-7 na higit 50 taon nang nasa operasyon.

Sa ulat ni Navallo, na ibinase sa mismong records ng Kamara, sinabi nitong itinala mismo ni Marcoleta ang sarili bilang principal author sa pagbibigay ng panibagong 25-year franchise sa GMA-7.

 

 .
Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
 SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT

.

Sa mga nasabi pa ring dokumento, pangunahing awtor pa rin si Marcoleta sa franchise bills na nag­lalayong ipagpatuloy ang operasyon ng apat na telecom companies sa bansa.

 

Related video:

 

.

SIGN UP TO RECEIVE OUR EMAIL
.
The most important news of the day about the ASEAN Countries and the world in one email:  [email protected]

6.10.2020

facebook sharing button
messenger sharing button
It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page